Team Payaman’s Kevin Hermosada Shares Recent Updates Regarding Wife’s Pregnancy

Ang pagbubuntis ay puno ng mga bago at hindi inaasahang karanasan, lalo na kapag nasa maagang stages pa lang tulad ng first trimester. 

Ito ang naging bukas na ibinahagi ng mag-asawang Kevin Hermosada at Abigail Campañano-Hermosada matapos silang makaramdam ng matinding pag-aalala dahil sa kaunting spotting o maliit na dugo na lumabas kay Abi na mapapanood sa kanilang bagong vlog.

First Trimester Care

Bagamat pinilit maging kalmado ni Abi sa buong araw, hindi pa rin niya napigilan ang maging emosyonal nang sumapit ang gabi. Dahil dito, agad silang nagpacheck-up sa kanilang OB-GYN upang makasigurado. Laking pasalamat nila nang malalamang ligtas at maayos naman ang lagay ni Baby Hamham, ngunit kinakailangan ni Abi na mag-bed rest ng dalawang linggo dahil sa pagod. 

Dito ibinahagi ni Kevin kung gaano kahalaga na maging supportive, kalmado, at may mahabang pasensya ang isang mister kapag dumadaan sa mga ganitong pag-aalala ang kanyang misis.

Fun Baby Predictions with Family and Friends

Habang nagpapahinga si Abi, una muna silang dalawa ni Kevin ang nagkwentuhan at nagbiruan kung kanino kaya magmamana si Baby Hamham mula sa labi, pilikmata, hanggang sa ilong. 

Pagkatapos nito, nakipagkwentuhan din ang kanilang mga tropa na sina Junnie Boy at Burong. Nagpalitan sila ng mga hula gamit ang ultrasound pictures at nag-alok ng babala at payo mula sa sarili nilang karanasan bilang mga ama, kung saan sinabi nilang nagbabago pa naman ang mukha ng baby paglabas nito.

Sa huli, ipinaalala ni Kevin na ang pinakamahalaga sa lahat ay ang pananatiling masaya at chill lang ni Abi. Sa tulong ng tamang pahinga, suporta ng pamilya, at positibong disposisyon, buong-puso at handa nilang haharapin ang bawat hakbang ng kanilang paglalakbay bilang mga magulang.

Watch the full vlog below:

Carmellie Ocampo

Recent Posts

Cong TV Seeks Help from Movie Star Malupiton for Geng’s Road to Stardom

Paano nga ba makakapasok si Genggeng sa PBB House?  Alamin sa latest ‘AROAYKO’ vlog ni…

13 hours ago

Zeinab Harake-Parks and Ray Parks Proudly Announce Kids’ Official Name Change

Opisyal nang ‘Harake-Parks’ ang apelyidong dala ng magkapatid na Bia at Lucas Harake na siyang…

16 hours ago

Viy Cortez, Zeinab Harake, and Ivana Alawi Go On a Wild BARKADAKIP Adventure

Isang kwelang vlog collab ang hatid ng trio nina Viy Cortez-Velasquez, Zeinab Harake-Parks, at Ivana…

1 day ago

READY NA BA SA INIT? Team Payaman’s Burong Shares Ways To Save Energy Amid Super El Niño

Dahil sa inaasahang epekto ng Super El Niño sa Pilipinas, mahalagang maging maingat sa ating…

1 day ago

Kevin Hufana Features Roy Aguilo’s Journey of Redemption in ‘Higit sa Hatol: Home of Second Chances’ Documentary

Hindi natatapos sa paglaya ang mga hamon sa buhay ng mga dating bilanggo, dahil patuloy…

2 days ago

VIYond the Entrance: Discover What Team Payaman Fair Has to Offer

What if one ticket could bring you closer to your favorite influencers, introduce you to…

3 days ago

This website uses cookies.