Ivana Alawi, Zeinab Harake-Parks, and Viy Cortez Turn Street Pranks Into Acts of Kindness

Isang nakakaantig na social experiment ang isinagawa ng magkakaibigang sina Ivana Alawi, Zeinab Harake-Parks, at Viy Cortez-Velasquez matapos silang mag-disguise upang hindi agad makilala ng publiko. 

Sa pinakabagong vlog ni Ivana, nagsagawa ang tatlo ng iba’t ibang street pranks upang makisalamuha sa mga estranghero, malaman ang kanilang mga kuwento, at magbigay ng tulong sa mga nangangailangan.

Stranger Street Prank

Sa pamamagitan ng pagbabago sa kanilang itsura at paggamit ng makeup, layunin ng tatlong content creator na makita ang tunay na reaksyon ng mga tao nang hindi sila agad nakikilala bilang mga sikat na personalidad.

Gamit ang kanilang pot money na nagkakahalaga ng ₱200,000, naghanap sina Ivana, Zeinab, at Viy ng mga taong karapat-dapat makatanggap ng tulong at sorpresa sa pamamagitan ng iba’t ibang acts of kindness.

Kabilang sa mga unang hamon ang paghahanap ng estrangherong sasali sa kanilang group photo. Dito nila nakilala si Tatay Jun, na ginantimpalaan ng ₱10,000.

Sinundan ito ng pagpapanggap na kaarawan ni Viy upang makahanap ng taong kakanta ng “Happy Birthday.” Nakilala nila si Raymark Sevillano, isang masipag na estudyante na naantig sa tulong na natanggap mula sa grupo.

Sa isa pang challenge, humanap ang tatlo ng bagong kaibigan na makakasama sa kanilang lakad. Nakilala nila ang isang estrangherong nakipagkuwentuhan at bumili pa ng pagkain para sa kanila, kaya ginantimpalaan nila ito bilang pasasalamat sa kanyang kabaitan.

Bagama’t puno ng tawanan ang vlog, may mga madamdamin ding sandali, kabilang ang pagkikita nila sa isang lalaking tumutulong sa pagbubukas ng pinto ng isang restaurant. Matapos sumayaw para sa grupo, ibinahagi niya na kamakailan lamang niyang nawalan ng anak.

Dahil sa kanyang kuwento, nagbigay ang grupo ng karagdagang tulong pinansyal para sa kanyang pamasahe pauwi sa probinsya at pandagdag puhunan sa kanyang pangarap na negosyo.

Sa pagtatapos ng vlog, binigyang-diin ng tatlo ang kahalagahan ng pagiging mabuti sa kapwa at pakikinig sa kuwento ng iba.

“Ang natutunan ko ay maging mabuti ka sa kapwa, sa lahat ng tao. Kasi paano kung ‘yung tao na ‘yun nangangailangan talaga ng kausap,” ani Viy sa vlog.

Netizens’ Comments

Samantala, umani naman ng positibong reaksyon mula sa mga netizen ang kanilang mga ginawa, kung saan marami ang naantig sa pagtulong nila sa iba at natuwa sa nakakaaliw na samahan ng grupo.

@mariacelinabels: “Naiyak ako dun sa una kay Tatay. Deserve niya.”

@heartzxakehhe: “Kapag silang tatlo magkasama, mamatay ako kakatawa talaga.”

@johnnicholezotomayorcesario: “‘Yung galing ka sa work tapos ito ‘yung mapapanood mo, talagang nakakawala ng pagod. Maraming salamat, Ivana!”

Watch the full vlog below:

Angelica Sarte

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Shares More Family Moments in EP 5 of realiTViy Vlog Series

Sa gitna ng kanyang abalang schedule, hindi nakakalimutan ng Team Payaman vlogger na si Viy…

43 minutes ago

Cong TV Gives a Glimpse of Family Bonding in Latest Vlog “PAHINGAE”

Puno ng tawanan, kuwentuhan, at simpleng saya ang bagong vlog ni Cong TV na "PAHINGAE"…

9 hours ago

Mommy Viy Cortez-Velasquez and Kidlat Welcome New Partnership with Morris Biscuit PH

A new family partnership is here for Mommy Viy Cortez-Velasquez and her son Kidlat as…

10 hours ago

Viy Cortez-Velasquez and Julia Montes Form an Unexpected Friendship

Sa unang episode ng CARTFUN, nakasama ni Viy ang aktres na si Julia Montes para…

5 days ago

Pat Velasquez-Gaspar Turns Her Kids’ Drawings Into 3D Creations With Bambu Lab

Seeing children bring their imagination to life can make family moments even more meaningful, especially…

6 days ago

Boss Keng’s Alfonso Siklab Hailed as MPPT Champs

Team Payaman's very own Boss Keng celebrates another milestone as his official pickleball team, Alfonso…

6 days ago

This website uses cookies.