Hilig Ang Susi! Cong TV, May Nakakatuwang Diskarte Para Kay Kuya Inday

May bagong paraan si Cong TV para mapanatili si Kuya Inday sa bahay, at tila simple ngunit epektibo ang kanyang naisip na diskarte: suportahan ang mga hilig nito at bigyan pa ito ng mas maraming gawain! 

Diskarte

Sa kanyang vlog na “Pinundar,” ibinahagi ni Cong TV ang plano niyang pigilan si Kuya Inday na sumama kay Pinuno sa paggawa ng bagong kanta. Sa halip na direktang pagbawalan ito, naisip niyang humanap ng paraan upang maging abala si Kuya Inday sa mga gawaing maaari niyang gawin sa bahay.

Nagsimula ang ideya nang imungkahi ni Aaron kay Cong TV na suportahan na lamang ang mga hilig ni Kuya Inday. Nang tanungin kung ano ang kinahihiligan nito, pabirong sagot ni Cong TV na ang paghuhugas ng plato ang paboritong gawin ni Kuya Inday. Kaya naman, naisip niyang dagdagan pa ang mga platong huhugasan nito sa halip na pigilan ang hilig nito.

Dahil dito, isinama ni Cong TV si Kuya Inday sa Home Along upang bumili ng mga gamit sa kusina. Kabilang sa kanilang mga napili ang karagdagang baso na magagamit sa bahay at makadadagdag din sa huhugasan ni Kuya Inday. Isang simpleng pamimili na may nakatagong plano!

Ngunit hindi lamang mga gamit sa kusina ang laman ng kanilang shopping trip. Nakakita rin si Cong TV ng portable karaoke na agad niyang binili para kay Kuya Inday. Tila nakahanap na naman siya ng paraan upang mahikayat itong manatili sa bahay. May bagong libangan na, may pang-practice pa ng kanta!

Home Along Christmas Zero

Sa huli, tila naging matagumpay ang plano ni Cong TV. Sa halip na sumama kay Pinuno para gumawa ng bagong kanta, ginamit ni Kuya Inday ang bagong portable karaoke upang magpraktis ng sarili niyang kanta. 

Ipinakita ng vlog ang nakaaaliw na paraan ni Cong TV ng pagsuporta sa hilig ni Kuya Inday. Kung may isang bagay mang malinaw sa kanilang shopping trip, iyon ay ang pagiging madiskarte ni Cong TV sa paghahanap ng paraan para manatili si Kuya Inday sa bahay. 

Netizen’s Comments

Kina-aliwan naman ng mga netizens ang vlog.

@euennebautista: Si mossing ang naka-discover kay kuya Inday, si pinuno ang makikinabang HAHAHAHA

@lEiZy_Trixss: “Bago bumuhos ung pera pa loob kailangan palabas muna” – burong

@jewelry5232: Naiiyak ako for Kuya Inday. Deserve nya talaga lahat lahat ng Blessings!!! Thank you bossing CTV!!!!!!!!

Watch the full vlog below:

Elijah Tantiado

Recent Posts

CIELO Brings Its First-Ever Pop-Up Store to Team Payaman Fair 2026

Attention, beauty gurus! Your new favorite makeup bestie is coming closer as CIELO makes its…

4 hours ago

Ivana Alawi, Zeinab Harake-Parks, and Viy Cortez Turn Street Pranks Into Acts of Kindness

Isang nakakaantig na social experiment ang isinagawa ng magkakaibigang sina Ivana Alawi, Zeinab Harake-Parks, at…

22 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Shares More Family Moments in EP 5 of realiTViy Vlog Series

Sa gitna ng kanyang abalang schedule, hindi nakakalimutan ng Team Payaman vlogger na si Viy…

22 hours ago

Cong TV Gives a Glimpse of Family Bonding in Latest Vlog “PAHINGAE”

Puno ng tawanan, kuwentuhan, at simpleng saya ang bagong vlog ni Cong TV na "PAHINGAE"…

1 day ago

Mommy Viy Cortez-Velasquez and Kidlat Welcome New Partnership with Morris Biscuit PH

A new family partnership is here for Mommy Viy Cortez-Velasquez and her son Kidlat as…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez and Julia Montes Form an Unexpected Friendship

Sa unang episode ng CARTFUN, nakasama ni Viy ang aktres na si Julia Montes para…

6 days ago

This website uses cookies.