Bilang pambawi matapos ang kanilang away mag-asawa, sinurpresa ni Boss Keng ang misis niyang si Pat ng bagong iPhone 18.
Alamin ang naging dahilan ng kanilang munting pagtatalo at kung ano ang reaksyon ni Pat nang matanggap ang regalo ng mister.
Sa kanyang latest vlog, muling binalikan ni Exekiel Christian Gaspar, a.k.a Boss Keng, ang mga panahong nagtalo sila ng misis niyang si Pat Velasquez-Gaspar.
Kaharap nila ang ama ni Pat na si Marlon Velasquez Sr., a.k.a Papa Shoutout, na nakinig sa panig ng dalawa.
Kwento ng dalawa, nagsimula lamang sa maliit na dahilan ang kanilang pagtatalo dala ng hindi pagkakaintidihan.
Nagbigay naman ng kani-kanilang mga payo sina Papa Shoutout habang nakikinig naman din sa kwento ng mag-asawa si Junnie Boy.
Bilang pambawi sa kanyang misis, personal na umorder sa Mobile Cart PH si Boss Keng ng pinakabagong iPhone 18 para kay Pat.
“Itong cellphone na ‘to hindi talaga para sa akin ‘to, para talaga ‘to sa misis kong inaaway ko n’ung birthday ko,” ani Boss Keng.
Laking tuwa ni Pat nang iabot na ni Boss Keng ang bag na naglalaman ng kanyang bagong telepono.
“Wow, iPhone 18! Wow! Thank you daddy!” reaksyon ni Pat.
Samantala, marami ang kinilig matapos masaksihan ang pangmalakasang pambawi ni Boss Keng para sa asawa.
@mhickscabaluna768: “Salute to papa bal, walang kinakampihan kesahodang kahit sariling anak si Pat!”
@Clipjunkyard-t7q: “Happy wife, happy life”
@manilyncantuba5757: “Ginamit yung song ni Kevin sa last part naks naman!”
@johnmichaeldelacruz6760: “Very good yan yung open kayo sa maliliit na bagay pumdasyon yan para tumagal.”
Watch the full vlog below:
Paano nga ba makakapasok si Genggeng sa PBB House? Alamin sa latest ‘AROAYKO’ vlog ni…
Opisyal nang ‘Harake-Parks’ ang apelyidong dala ng magkapatid na Bia at Lucas Harake na siyang…
Isang kwelang vlog collab ang hatid ng trio nina Viy Cortez-Velasquez, Zeinab Harake-Parks, at Ivana…
Dahil sa inaasahang epekto ng Super El Niño sa Pilipinas, mahalagang maging maingat sa ating…
Hindi natatapos sa paglaya ang mga hamon sa buhay ng mga dating bilanggo, dahil patuloy…
What if one ticket could bring you closer to your favorite influencers, introduce you to…
This website uses cookies.