Sa kanyang bagong vlog, tinalakay ni Boss Keng ang isa sa mga pangunahing hamon na kinakaharap ngayon ng maraming content creators at gamers; ang patuloy na pagtaas ng konsumo at bayarin sa kuryente.
Nagsimula ang usapan nang silipin ni Boss Keng ang kanyang mga kasamahan na nakababad pa rin sa pagko-computer sa kabila ng nauna nilang napagkasunduang magtipid sa kuryente.
Napansin niyang sabay-sabay na nakabukas ang mga PC, ilaw, electric fan, at aircon, dahilan upang mabilis na lumobo ang kanilang buwanang bill.
”Sabi magtitipid ng kuryente, ano ang ginagawa ngayon? Computer na naman… Tingnan mo, dito pa lang sa kwartong ‘to. Electric fan, bukas ang computer, bukas ang aircon,” puna ni Boss Keng.
Upang makabawas sa gastusin, nagbigay siya ng ilang praktikal na paalala para sa kanilang grupo:
Sa gitna ng mainit na panahon at usapang umaabot na sa ₱90,000 ang kanilang buwanang singil sa kuryente, nag-brainstorm ang grupo kung paano pa ito mapapababa.
Dito ibinida ni Boss Keng ang paggamit ng EcoFlow, isang portable solar generator at battery power station.
”Ang mga power bank niyo ang liliit, ang power bank ko generator… Walang gasolina, tahimik. Pwedeng gamitin sa bahay o office, at kayang mag-power ng laptop, lights, fans, at selected appliances,” pagbabahagi niya.
Watch the full video below:
Watch the full vlog here: https://youtu.be/jMCsoQy4gbI?si=BzeL6vW0HgaRQ9CM
Mukhang oras na para tuparin ni Burong ang matagal na niyang pangakong Bali trip para…
May bagong paraan si Cong TV para mapanatili si Kuya Inday sa bahay, at tila…
Attention, beauty gurus! Your new favorite makeup bestie is coming closer as CIELO makes its…
Isang nakakaantig na social experiment ang isinagawa ng magkakaibigang sina Ivana Alawi, Zeinab Harake-Parks, at…
Sa gitna ng kanyang abalang schedule, hindi nakakalimutan ng Team Payaman vlogger na si Viy…
Puno ng tawanan, kuwentuhan, at simpleng saya ang bagong vlog ni Cong TV na "PAHINGAE"…
This website uses cookies.