Viyline Media Group Ready to Hit the Road Following the Blessing of Their New Ad Truck

Isang panibagong tagumpay at milestone ang ipinagdiriwang ng Viyline Group of Companies sa pamumuno ng President at General Manager Rolando “Papa Wow” Cortez sa pormal na pagbabasbas ng pinakabagong Viyline Advertising Truck.

Bago sumabak sa kalsada upang maghatid ng iba’t ibang produkto at serbisyo, pormal muna itong binasbasan sa isang makabuluhang seremonya.

A Nostalgic Journey of Faith

Pagkaraan ng anim na taon, muling nagbalik si Papa Wow sa St. Gaspar Bertoni Seminary sa Carmona, Cavite. Sa kanyang pahayag sa social media, inalala niya ang kanyang pilgrimage sa nasabing seminaryo kung saan nakatira pa siya roon noon nang hindi nalalaman ng kanyang pamilya. 

Ang pagbabalik na ito para sa pagbabasbas ng ad truck ay naging isang napaka-memorable at emosyonal na karanasan para sa kanya.

Putting God First Above All Else

Inihayag ni Papa Wow ang kanyang gabay na pilosopiya sa buhay at negosyo sa pamamagitan ng pagbanggit sa Kasulatan:

“In everything you do, put God first, and he will direct you and crown your efforts with success.” — Proverbs 3:6

Ibinahagi rin niya ang kilalang quotation ni Arnold Schwarzenegger tungkol sa pagsusumikap at negosyo: “Early to bed, early to rise, work like hell, and advertise.”

Rolling Out for Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat

Bilang bahagi ng paghahanda para sa masayang Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat, ang bagong advertising truck ay opisyal nang maiikot sa mga strategic na lugar sa buong Metro Manila.

Nagsisilbi itong isang innovative moving billboard na naglalayong ikonekta ang mga exhibitors, partner brands, at sponsors nang diretso sa mga lokal na komunidad para sa pagbigay ng maximum brand visibility bago pa man dumating ang mismong grand event!

Para sa mga nais makita ang kanilang mga brands sa Viyline Ad Truck, mangyari lamang na magpadala ng mensahe sa tpfairofficial@gmail.com o tumawag sa numerong: 0967 423 6608.

Handang-handa na ang Viyline Ad Truck na maghatid ng kulay, saya, at tagumpay sa bawat sulok ng kalsada. Kaya sama-sama nating salubungin ang mas malaki, mas makulay, at mas masayang pagdiriwang ngayong taon, mga Kapitbahay! Kita-kits sa Team Payaman Fair 2026!

Angel Asay

Recent Posts

Cong TV Seeks Help from Movie Star Malupiton for Geng’s Road to Stardom

Paano nga ba makakapasok si Genggeng sa PBB House?  Alamin sa latest ‘AROAYKO’ vlog ni…

13 hours ago

Zeinab Harake-Parks and Ray Parks Proudly Announce Kids’ Official Name Change

Opisyal nang ‘Harake-Parks’ ang apelyidong dala ng magkapatid na Bia at Lucas Harake na siyang…

16 hours ago

Viy Cortez, Zeinab Harake, and Ivana Alawi Go On a Wild BARKADAKIP Adventure

Isang kwelang vlog collab ang hatid ng trio nina Viy Cortez-Velasquez, Zeinab Harake-Parks, at Ivana…

1 day ago

READY NA BA SA INIT? Team Payaman’s Burong Shares Ways To Save Energy Amid Super El Niño

Dahil sa inaasahang epekto ng Super El Niño sa Pilipinas, mahalagang maging maingat sa ating…

1 day ago

Kevin Hufana Features Roy Aguilo’s Journey of Redemption in ‘Higit sa Hatol: Home of Second Chances’ Documentary

Hindi natatapos sa paglaya ang mga hamon sa buhay ng mga dating bilanggo, dahil patuloy…

2 days ago

VIYond the Entrance: Discover What Team Payaman Fair Has to Offer

What if one ticket could bring you closer to your favorite influencers, introduce you to…

3 days ago

This website uses cookies.