Team Payaman Blown Away by a Supporter’s Hand-Drawn Artworks

Isang taga-suporta ang nagregalo ng guhit-kamay na portrait ng ilang Team Payaman kids na sina Kidlat, Tokyo, Mavi, at Viela.

Alamin ang reaksyon hindi lamang ng TP Kids, kung hindi pati na rin ng kanilang mga magulang sa malikhaing regalong handog ni Luigie Garcia.

TP Kids’ Portraits

Kilala ang Team Payaman fan na si Luigie Garcia online dahil sa kanyang hilig sa pagguhit ng mga litrato ng ilang mga personalidad kabilang na ang Team Payaman kids na sina Kidlat, Tokyo, Mavi, at Viela.

Sa kanyang TikTok video, isa-isa niyang ipinasilip ang naging proseso ng kanyang pagguhit ng mga litrato ng mga bata gamit lamang ang lapit at ang kanyang 22 x 28’ canvas.

“I think deserve niya rin ito [ni Cong TV] dahil 2018 pa lang ay pinapanood ko na siya. Malay niyo ‘di ba? Kung papalarin, sana maibigay ko ‘to sa kanya,” ani Luigie.

Sa isang bukod na reel, kanya namang ipinasilip ang proseso ng kanyang pagguhit ng litrato nina Mavi at Viela.

The Reactions

Matapos ang ilang buwang pagguhit, nabigyan ng pagkakataon si Luigie na maiabot ang mga nasabing portrait kay Cong TV.

Sa isang mini vlog, ibinahagi ni Luigie ang mga tagpo at natatanging reaksyon ni Cong TV sa kanyang mga obra.

“Ay wow! Grabe! Doon sa look ng [mga] picture na ginawa sa akin, ito ‘yung pinaka accurate!” hindi makapaniwalang reaksyon ni Cong.

Personal ding nasilip nina Kidlat at Tokyo ang kanilang mga self-portraits.

Matapos ibahagi kay Cong ang litrato ng mga anak, sunod namang nagtungo si Luigie sa bahay ng Pamilya Iligan-Velasquez upang personal na iabot ang kanyang guhit nina Mavi at Viela.

Una nang inusisa ni Vien ang naging proseso ng pagguhit ng kanyang mga anak. Hindi maipagkaila ang kanyang paghanga kay Luigie.

“Ang galing mo!” ani Vien.

‘

Yenny Certeza

Recent Posts

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

8 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

12 hours ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

12 hours ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

13 hours ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Become the New Faces of MARSTEK Philippines

Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…

13 hours ago

Viy Cortez-Velasquez’s Well-Loved Makeup Brand Is Giving Away PR Kits To Aspiring Content Creators

Cielo, an up-and-coming makeup brand, is creating a buzz on social media, with Viy Cortez-Velasquez…

3 days ago

This website uses cookies.