Bumida ang Team Payaman mom-and-son duo na sina Mommy Viy Cortez-Velasquez at Zeus Emmanuel Velasquez, a.k.a Kidlat, sa latest ad commercial ng UFC Fun Chow.
Samahan sina Mommy Viy, Kidlat, at Ryan Bang sa kanilang kwelang breakfast-themed ad commercial.
Sa isang social media post, marami ang natuwa nang mapanood ang latest ad commercial ng UFC Fun Chow kasama sina Ryan Bang, Mommy Viy, at Kidlat.
Ang istorya ng nasabing advertisement ay umiikot sa paggamit ng UFC Fun Chow bilang perfect kasalo sa umagahan.
Habang humihiling si Kidlat ng kanin sa kanyang Mommy Viy para sa almusal, to-the-rescue naman si Ryan Bang sa kanyang fun and delicious rice recipe.
“Rice and shine Viy and Kidlat! UFC Fun Chow is here to the rescue!” ani Ryan.
Agad na nagtungo ang dalawa sa kusina upang simulan na ang kanilang pagluluto ng fried rice kasama ang UFC Fun Chow.
Ipinakilala ni Ryan ang lima sa mga flavors ng UFC Fun Chow gaya ng Bibimbap, Kimchi, Beef Bulgogi, Meaty Yang Chow, at Seafood Yang Chow.
Napili nilang lutuin ang kanilang sinangag kasama ang Meaty Yang Chow variant ng UFC Fun Chow.
Una na nilang nilagyan ng mantika ang kanilang pan at sunod na itong nilagyan ng itlog, bahaw, at ang UFC Fun Chow.
Matapos maluto, agad na ipinatikim ng dalawa ang sinangag kay Kidlat.
“Ang sarap!” reaksyon ni Kidlat.
Samantala, isang bukod na social media post, ipinahatid naman ni Mommy Viy ang kanyang pasasalamat para sa natanggap na oportunidad.
“Kuya and I are truly grateful to be part of the Funchow family @nutriasiainc! This project is especially close to my heart because it marks my very first time producing a digital advertisement.”
“As someone who has always been passionate about creating content, being able to bring a digital ad to life from concept to execution is a milestone I will always cherish. I’m incredibly thankful for the trust and opportunity, but most of all, I’m proud of my team. This project is a reflection of their hard work, creativity, dedication, and countless hours behind the scenes. Watching our vision come to life has been both humbling and rewarding.”
“Thank you, Funchow, for believing in us and trusting our team with this project. This is a milestone we’ll always be grateful for. Thankyou sir @ryanbang napaka dali at saya kasama! Medyo natagalan maka close si kidlat kase mas malinaw pa sya magsalita hahaha lovelove sir!” ani Viviys.
Watch the full video commercial below:
Now that the weather is getting colder, maintaining well-moisturized skin becomes a challenge, often leaving…
Dahil back-to-school season na, ibinahagi ni Mommy Viy ang ultimate baon buddy ng panganay niyang…
Marami ang naaliw nang simulan ng mag-asawang Kevin at Abigail Hermosada ang kanilang ‘weird cravings’…
Hot on the heels of their last successful drop, Cong TV’s official clothing line, Team…
Matapos hindi makasama sa nakaraang biyahe ng Team Payaman sa Hong Kong, nakabawi si Burong…
Isang makabuluhang feeding activity para sa mga stray dogs ang tampok sa pinakabagong episode ng…
This website uses cookies.