Ate Ivy Cortez-Ragos Satisfies ‘Late-Night Cravings’ in Newest Mini Vlog

Isang panibagong culinary adventure ang ibinahagi ni Ate Ivy Tumbaga Cortez-Ragos sa kanyang pinakabagong Facebook mini vlog! 

Sa pagkakataong ito, sinagot niya ang kanyang late-night cravings sa dinadayong Balibago branch ng sikat na Ark Sandwich bitbit ang kanyang nakakahawang energy at welcoming personality.

Balibago Food Trip

Hindi lang basta simpleng kainan ang ipinasilip ni Ate Ivy, kundi isang nakakatakam na experience na siguradong swak sa panlasa at bulsa ng mga Pinoy. 

Ayon sa kanya, ang Ark Sandwich ang perfect spot kung naghahanap ka ng pagkaing creamy, savory, at talagang nakakabusog.

Ipinagmalaki rin niya ang lawak ng kanilang menu na hinding-hindi ka mauubusan ng pagpipilian. 

Mula sa kanilang sikat na loaded landwiches, chicken wings, tenders, at crispy fries, hanggang sa mga katakam-takam na rice meals at refreshing specialty drinks.

“One Bite Pa Lang, Mapapa-order Ka Na Ulit!”

Bukod sa masasarap na putahe, pinuri rin ni Ate Ivy ang pangkalahatang setup at kapaligiran ng kainan. Inilarawan niya ito bilang isang napakalinis, maayos, at may super chill vibe na perfect tambayan para sa quick bites, barkada hangouts, o maging sa mga biglaang midnight snack runs.

“Kung naghahanap ka ng sulit at masarap, this is a must-visit spot na talagang deserve mong i-try. One bite pa lang, mapapa-order ka na ulit! Kaya ano pang hinihintay ninyo? Visit Ark Sandwich today!” pag-aanyaya pa niya.

Angel Asay

Recent Posts

Cong TV Seeks Help from Movie Star Malupiton for Geng’s Road to Stardom

Paano nga ba makakapasok si Genggeng sa PBB House?  Alamin sa latest ‘AROAYKO’ vlog ni…

13 hours ago

Zeinab Harake-Parks and Ray Parks Proudly Announce Kids’ Official Name Change

Opisyal nang ‘Harake-Parks’ ang apelyidong dala ng magkapatid na Bia at Lucas Harake na siyang…

16 hours ago

Viy Cortez, Zeinab Harake, and Ivana Alawi Go On a Wild BARKADAKIP Adventure

Isang kwelang vlog collab ang hatid ng trio nina Viy Cortez-Velasquez, Zeinab Harake-Parks, at Ivana…

1 day ago

READY NA BA SA INIT? Team Payaman’s Burong Shares Ways To Save Energy Amid Super El Niño

Dahil sa inaasahang epekto ng Super El Niño sa Pilipinas, mahalagang maging maingat sa ating…

1 day ago

Kevin Hufana Features Roy Aguilo’s Journey of Redemption in ‘Higit sa Hatol: Home of Second Chances’ Documentary

Hindi natatapos sa paglaya ang mga hamon sa buhay ng mga dating bilanggo, dahil patuloy…

2 days ago

VIYond the Entrance: Discover What Team Payaman Fair Has to Offer

What if one ticket could bring you closer to your favorite influencers, introduce you to…

3 days ago

This website uses cookies.