Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of 29th Birthday Celebration

Masayang ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Vien Iligan-Velasquez ang mga tagpo sa kanyang ika-29 na kaarawan.

Silipin ang mga nakakatuwa at hindi-malilimutang mga ganap sa kanyang unang selebrasyon sa bagong tahanan ng pamilya Iligan-Velasquez. 

Birthday Celebration

Sa kanyang bagong vlog, handog ni Vien Iligan-Velasquez ang pasilip sa kanyang simple ngunit masayang selebrasyon.

Ngayong taon, minabuti ni Vien na ipagdiwang ang kanyang kaarawan sa pamamagitan ng simpleng hapunan kasama ang kapwa Team Payaman members.

Hindi pinalampas ng asawa ni Vien na si Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy, ang kaarawan ni Vien matapos ang kanyang out-of-town trip kasama ang Team Harabas.

Present din ang kanyang mga kaibigan na game na game na nag-ihaw ng kanilang kakainin gaya ng liempo.

Mas naging masaya ang kanilang pagtitipon dahil sa kwela at kakulitang hatid ng Team Payaman kids na sina Kidlat, Viela, at Mavi.

House Blessing

Dahil tuluyan nang nakalipat sa kanilang bagong bahay, buong galak din na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez ang kanilang house blessing.

Sama-samang dinasalan ng kanilang mag-anak ang bagong tahanan para sa maswerte, ligtas, at masayang pamamalagi rito ng kanilang pamilya.

Samantala, marami sa mga manonood ang natuwa sa bagong content na hatid ni Mommy Vien sa netizens.

@margaretcabagsang022: “Nakakatuwa si Kidlat at Vielaboo! Happy birthday Ma’am Vien!”

@vetnurseangie: “LT si Cocon at Kiddos!”

@rhymm00: “Happy birthday Ate Vien and congratulations to your new home!”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Team Payaman Wild Cats Share Life Revelations in Viy Cortez-Velasquez Latest Vlog

​ Hindi lang busog ang tiyan kundi busog din sa rebelasyon ang mga manonood matapos…

1 day ago

Make Every Summer Trip Extra Flavorful with King Sisig in a Jar

Summer is all about sunshine, road trips, beach days, and food adventures — but finding…

3 days ago

Cong TV Takes On Extreme Fishing Challenge For Wife’s Tuna Cravings

Isang legendary vlog ang hatid ng Team Payaman Wild Dogs, Y Kulba, at Team Harabas…

3 days ago

Team PYMN Clothing Drops Two New RawBlock Collection Designs

Cong TV’s clothing brand, known as ‘Team PYMN,’ officially added two more designs to its…

4 days ago

CARambola EP 2: Netizens Poke Fun Of Viy Cortez-Velasquez Latest Vlog Collaboration

Isang hindi inaasahang pagsasama-sama ng iba’t ibang personalidad ang mapapanood sa bagong episode ng vlog…

4 days ago

Rally with Team Payaman’s Pat and Keng at the Playhouse Pickle Tournament 2026

Get ready to serve, smash, and score at the highly anticipated Playhouse Pickleball Tournament happening…

5 days ago

This website uses cookies.