Tita Krissy Achino Gets Real on ‘Friends Without Benefits’ Podcast

Sa latest episode ng Friends Without Benefits podcast series nina Jai Asuncion, Albert Nicolas, at Jim Morales, ibinahagi ni Krissy Achino ang kaniyang buhay sa loob at labas ng Team Payaman.

Mula sa madalas niyang pagbisita sa ‘CONGdo’ noon bago pa man siya pumasok sa vlogging, hanggang sa mahikayat ni Viy Cortez-Velasquez na tuluyan na itong pasukin, unti-unti siyang naging bahagi ng grupo. Nakilala rin siya sa iba’t ibang karakter na binuo at nilabas ni Cong TV sa kanyang vlog  tulad ni Aling Cely, na nakatulong sa pag-angat ng kanyang followers.

Friendship & Growth

Ikinuwento rin niya kung paano halos magkakalapit lang ang mga bahay ng Team Payaman at lumago mula ‘Payamansion’ hanggang sa kanilang sariling ‘CONGpound’ ngayon na halos magkakatabi lang din ng bahay.

Sa naturang episode, naging bukas si Krissy sa pagbabahagi ng kanyang mga karanasan pagdating sa pagkakaibigan mula sa mga relasyong pinatatag niya ngayong taon hanggang sa mga koneksyong pinili niyang bitawan. Hindi naging madali ang lahat, lalo na sa usapin ng tiwala at betrayal na ilang beses na rin niyang naranasan.

Life Lessons & Mindset

Bukod dito, ibinahagi rin niya ang kanyang personal na growth mula sa pagiging prangka at emosyonal, hanggang sa pagiging mas self-aware sa kung paano niya hinahandle ang mga tao sa paligid niya. 

Sa kabila ng lahat, nananatili ang pagiging totoo sa sarili, isang katangiang lalong nagpapatibay sa koneksyon niya sa mga tunay niyang kaibigan.

Inamin din niya ang takot na bumalik sa dati niyang buhay. Kaya ngayon, mas pinipili niyang maghanda at mag-ipon para sa hinaharap.

Napunta rin ang usapan sa mga salitang “sorry” at “thank you” sa pamilya, sa mga taong nasaktan, at sa mga tumulong sa kanyang journey.

Netizens’ Comments

Samantala, marami ang nagpahatid ng kanilang pagbati at paghanga para sa naturang Team Payaman member.

@rain4cccc: The way Chino speaks really makes you focus and listen—an excellent quality for a teacher.

@mizziemangurobon36: Same fear, Chino… takot bumalik sa dating mahirap na buhay. Same mindset about preparing for death, lalo na kapag naranasan mo na kung gaano kahirap mamatayan nang walang-wala. Kaya ayaw mo nang ipasa sa iba yung ganung klaseng burden. Not everyone prepares for death, but it’s a reality everyone faces.

@tokiwa0000: Grabe, iba si Chino—daming pulot. Parang sarap maging friend.

Watch the full video-podcast below:

Carmellie Ocampo

Recent Posts

Celebrate Cong TV’s Birthday With Team PYMN Clothing’s Newest ‘Lincoln Club Collection’

Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…

15 hours ago

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

2 days ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

2 days ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

2 days ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Become the New Faces of MARSTEK Philippines

Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…

2 days ago

This website uses cookies.