Isang masayang family adventure ang hatid ni Mommy Vien Iligan-Velasquez matapos ang kanilang Disney Cruise Line Singapore experience.
Silipin ang mga masasaya at kwelang memories na nagawa ng Team Iligan-Velasquez sa kanilang family trip.
Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Mommy Vien ang mga tagpo mula sa pag-aayos ng kanilang mga gamit hanggang sa paglipad sa Singapore para makiisa sa Disney Cruise Line event.
“Hindi ito alam nina Mavi at Viela. Ang alam lang nila is [pupunta kami ng] Singapore. Challenge sa amin ‘to ni Daddy dahil apat lang kami,” kwento ni Vien.
Pagdating pa lang sa kanilang hotel, hindi na magkamayaw sa excitement sina Mavi at Viela. Agad ding kumain ang mag-anak matapos ang kanilang byahe.
Wala ring pinalampas na oras ang Team Iligan-Velasquez at agad din silang naglibot sa ilang mga kilalang pasyalan sa Singapore gaya ng Gardens by the Bay.
Nang oras na para makiisa sa Disney Cruise Line experience, laking gulat nina Mavi at Viela sa mga nakita. Buong akala ng magkapatid ay uuwi na sila ng bansa.
“Viela, hindi tayo uuwi. It’s a prank!” biro ni Mavi sa kapatid.
Hindi maitago ang saya hindi lamang nina Mavi at Viela, kung hindi pati na rin nina Mommy Vien at Daddy Junnie sa kakaibang experience.
Laking pasasalamat din nila sa natanggap na mga official Disney Cruise Line merch na handog para sa kanilang pamilya.
“Thank you, Disney Cruise!” ani Viela.
Watch the full vlog below:
Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…
Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…
Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…
Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…
For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…
Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…
This website uses cookies.