Yiv Cortez Shares How Her Sister Viy Cortez-Velasquez Influenced Her Career

Sa pinakabagong episode ng “Behind The Desk,” nagbahagi ang Team Payaman next-gen vlogger na si Yiv Cortez ng mas personal na sulyap sa kanyang buhay.

Sa naturang vlog, ibinahagi niya ang kanyang karanasan bilang estudyante, vlogger, at negosyante, pati na rin ang mga inspirasyong humuhubog sa kanyang kasalukuyang landas.

Yiv’s Personal Journey

Sa unang bahagi ng panayam, ibinahagi ni Yiv Cortez na una niyang pinangarap maging ophthalmologist, ngunit kalaunan ay nagbago ang kanyang direksyon. Naantala man ng isang taon ang kanyang pag-aaral matapos siyang lumipat ng paaralan, nanatili siyang nakatuon sa pagtatapos ng kurso. 

Dagdag ni Yiv, naimpluwensyahan umano siya ng kanyang kapatid na si Viy Cortez-Velasquez, na kumuha ng kursong psychology ngunit hindi nito natapos. Para kay Yiv, naging personal niyang layunin na tapusin ang nasabing kurso—hindi lamang para sa sarili kundi pati na rin para sa kanyang kapatid.

“Actually, ang first choice ko is ophthalmologist. But then, na-realize ko parang mas gusto ko ‘yung naging course ni Ate Viy. Course niya kasi ‘yun. And parang hindi niya natapos. So, parang gusto ko ako na lang magtapos para sa kanya,” kwento ni Yiv.

Bukod sa pag-aaral, ibinahagi rin ni Yiv ang kanyang pagpasok sa pagnenegosyo. Mayroon siyang sariling brand na nakatuon sa accessories, na dati ay nagsimula sa pagbebenta ng pagkain. Ayon kay Yiv, bahagi ng kanilang kinalakihang kultura ang pagnenegosyo, na naging pundasyon ng kanilang kabuhayan.

Sa parehong vlogging at negosyo, kinilala ni Yiv ang malaking impluwensya ng kanyang pamilya, partikular ang kanyang kapatid na si Viy, bilang pangunahing inspirasyon sa kanyang mga ginagawa sa kasalukuyan.

“Ang family kasi namin, bata pa lang ako, nagbi-business na. Ayun ‘yung parang bumuhay sa aming magkakapatid. So, dahil si Ate Viy, siya ang pinaka nag-business, nai-inspire ako sa kanya. Kasi kita naman natin ‘yung mga cosmetics niya, talaga namang successful or nag-boom,” ani Yiv. 

“Dahil sa mindset na meron ‘yung pamilya ko, doon ako na motivate na, ‘Sige, gayahin ko na lang din ‘yung ginagawa nila,’ even though si Ate Viy, marami rin siyang ginagawa, nagvo-vlog din siya. So, na pagsasabay-sabay niya. So, kung kaya niya, maybe kaya rin natin,” dagdag pa niya.

Samantala, abala rin si Yiv sa kanyang bagong interes sa musika, na may hangaring makapaglabas ng sariling kanta ngayong taon. Nais niyang tuklasin ang R&B genre, na madalas niyang pinapakinggan, kabilang ang mga awitin ni Chris Brown.

Angelica Sarte

Recent Posts

Race to the Fair: Team Payaman Gears Up for a Fun Team Payaman Fair Teaser Vlog

Nagsama-sama ang mga miyembro ng sikat na vlogger group ng bansa na ‘Team Payaman’ para…

1 day ago

From Gig to Studio: Pinuno and Kuya Inday Create Their Own Song

Mula sa isang gig performance, nauwi sa isang music project ang tambalan nina Elijah Borreros,…

1 day ago

TICKETS ARE OUT: Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Tickets Are Now Up For Grabs

Team Payaman fans who missed the previous ticket-selling phases may soon get another shot at…

2 days ago

Team OG o SIGA: Donny Pangilinan and Team Payaman Wild Dogs Face Off in New Mang Tomas Ad

Muling nagsama ang tambalang Cong TV at Donny Pangilinan sa isang bagong advertisement ng Mang…

2 days ago

Cook Along with Dudut Lang In His Latest Camping Vlog

Samahan si Dudut Lang sa isang chill camping trip kasama sina Kristel, Burong, at Aki.…

3 days ago

Strength Beyond Skill: Boss Keng Leads Team Alfonso Siklab to MPPT

Naging pormal at puno ng saya ang ginanap na opisyal na media day at contract…

4 days ago

This website uses cookies.