Sama-samang humarap sa ‘Cashier Picks Card’ challenge ang mga vloggers na sina Viy Cortez-Velasquez, Zeinab Harake-Parks, at Ivana Alawi kung saan kasama nila ang kilalang Filipino aesthetic dermatologist na si Dra. Vicki Belo.
Tunghayan ang mga nakakatawa ang maka-butas bulsang mga tagpo sa kauna-unahang vlog collaboration ng ilan sa mga bigating vlogger sa bansa.
Sa pinakabagong vlog ni Dra. Vicki Belo, tampok ang ilan sa mga kilalang women vloggers na sina Viy Cortez-Velasquez, Zeinab Harake-Parks, at Ivana Alawi.
Ang mechanics ng hamon ay umiikot lamang sa pamimili. Pagdating naman sa pagbabayad ng kanilang mga na-shopping, ang cashier ang bubunot ng ‘credit card’ ng kanilang magiging ‘financer.’
Buong galak na sinimulan nina Dra. Belo, Viy, Zeinab, at Ivana ang kanilang all-girls day shopping.
Dahil kaarawan ni Dra. Belo, sama-samang binisita ng kanilang grupo ang ilang mga sikat na designer brands upang mamili. Matapos ang ilang oras na kulitan, unang nabunot ang credit card ni Viviys.
“Ate, sabi ko sayo bibigyan kita ng porsyento, huwag mo lang kunin ‘yung sa akin,” biro ni Viy sa sales associate.
Patuloy pa rin sa pamimili sina Viy, Zeinab, at Ivana ng ilang mga damit mula sa ibang-ibang mga sa stores habang patuloy din sa pagbunot ng credit card ang mga cashier.
Samantala, marami sa mga manonood ang natuwa sa pinakaunang vlog collaboration ng naturang social media personalities.
@tatz_vermar: “Best collab! Si Viy nagdala ng buong vlog. Aliw!”
@michaelvillanueva1435: “Why do I feel Dr. Belo is really genuine and down to earth?”
@nadsrikarlsahibul4195: “The way Hayden said that Dr. Belo is always the giver made me emotional. It shows how deeply she understands her. You can really see the love and appreciation there. So heartwarming to watch.”
Watch the full vlog below:
Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…
Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…
Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…
Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…
For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…
Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…
This website uses cookies.