Junnie Boy Shares Snippets of His Fun Netflix x One Piece Shoot Experience

Isang masayang behind-the-scenes ang ibinahagi ni Junnie Boy sa kaniyang vlog matapos siyang maimbitahan muli para sa isang special project ng Season 2 ng One Piece Journey kasama ang iba pang personalidad. 

Sa simula ng vlog, makikita si Junnie Boy na nagpaayos ng buhok kay Jude matapos ma-inspire mula sa napanood niyang content. Aminado siyang matagal na siyang fan ng anime, lalo na ng One Piece at ayon sa kanya, nais niyang ma-achieve ang look ni Zoro.

Getting Ready

Pagdating sa set, dala ni Junnie Boy ang excitement matapos malaman na muli siyang inimbitahan ng para sa panibagong project. 

Dahil nagawa na niya noon ang Zoro-inspired role, kampante siyang iyon muli ang kanyang gagampanan. Ngunit habang tumatagal ang kanyang pananatili sa set, napansin niyang tila walang malinaw na sagot kung ano nga ba talaga ang kanyang character. 

Kaya ang ginawa niya ay naglakad-lakad siya upang ipagtanong kung ano ba talaga ang gagawin niya. 

Sa kanyang pakikipag-usap sa mga staff at mga kasama sa production, iba-iba ang kanyang naririnig. May mga nagsasabing siya raw ang Zoro, habang ang iba naman ay tila nagbibiro at sinasabing baka ibang character ang mapunta sa kanya. 

Sa gitna ng mga usapan, may mga pagkakataon pang sinasabihan siyang baka “barko” ang kanyang gagampanan lalo’t nandoon din ang ibang miyembro ng SB19. 

Behind-the-Scenes Bloopers

Nakipagbiruan din siya kila Mika Salamanca at David Licauco na parte rin ng proyekto. Tila nagbibiruan pa sila kung ano nga ba talaga ang parte niya sa gagawin nilang shoot. 

“Pahinga ka muna kasi magiging barko ka pa,” biro ng asawa niyang si Vien.

“Binigyan ako ng lapel ibig sabihin mayroon akong role dito,” kuwento ni Junnie kila Chino. 

“Binigay na nga sa’yo—barko. Alam kasi nila na dahil vlogger ka, versatile ka. Alam nila na kaya mong gawin kahit anong role. Kung baga, kapag may nangyari sa mga tao, may papalit agad na kayang gawin kahit sino,” sagot naman ni Chino.

Watch the full vlog below:

Carmellie Ocampo

Recent Posts

Race to the Fair: Team Payaman Gears Up for a Fun Team Payaman Fair Teaser Vlog

Nagsama-sama ang mga miyembro ng sikat na vlogger group ng bansa na ‘Team Payaman’ para…

1 day ago

From Gig to Studio: Pinuno and Kuya Inday Create Their Own Song

Mula sa isang gig performance, nauwi sa isang music project ang tambalan nina Elijah Borreros,…

1 day ago

TICKETS ARE OUT: Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Tickets Are Now Up For Grabs

Team Payaman fans who missed the previous ticket-selling phases may soon get another shot at…

2 days ago

Team OG o SIGA: Donny Pangilinan and Team Payaman Wild Dogs Face Off in New Mang Tomas Ad

Muling nagsama ang tambalang Cong TV at Donny Pangilinan sa isang bagong advertisement ng Mang…

2 days ago

Cook Along with Dudut Lang In His Latest Camping Vlog

Samahan si Dudut Lang sa isang chill camping trip kasama sina Kristel, Burong, at Aki.…

3 days ago

Strength Beyond Skill: Boss Keng Leads Team Alfonso Siklab to MPPT

Naging pormal at puno ng saya ang ginanap na opisyal na media day at contract…

4 days ago

This website uses cookies.