Team Boss Madam Kicks Off Summer with a Fun-Filled Beach Getaway

Masayang sinalubong ng Team Boss Madam ang panahon ng tag-init sa kanilang recent beach getaway. Sa pinakabagong vlog ni Boss Keng, ibinahagi niya ang makulay na bakasyon sa tabing-dagat kasama sina Mommy Pat, Kuya Isla, at Baby Ulap. 

Kasama rin sa kanilang newest adventure ang kanilang mga house angels at ang ilang miyembro ng Team Payaman na sina Mentos, Sonny J, at Tiyang Venice.

​

Sa vlog, talaga namang kuminang ang mga mata nina Kuya Isla at Baby Ulap habang ninanamnam ang ganda ng dagat. Hindi lang basta pakikitungo sa tubig ang kanilang na-experience dahil sinubukan din nila ang yacht adventure at ang thrilling na pagsakay sa jetski.

Father’s Mission

​Ayon kay Boss Keng, personal niyang misyon na maiparanas sa kanyang mga anak ang mga luxury activities na hindi niya naranasan noong siya ay bata pa. 

​“Guys, isa ‘to sa mga hindi ko nagawa nung 2 years old ako. Pero ngayon, ipaparamdam ko sa’yo, Isla Boy. Makapag-yate ka at makapagyabang ka sa kaibigan mo na 2 years old ka pa lang, nagya-yate ka na!” biro pa ni Boss Keng sa panganay na si Isla.

Bukod sa saya, layunin din ng bakasyong ito na itanim sa isipan ng mga bata ang pagpapahalaga at pagkalinga sa ganda ng kalikasan.

Team Payaman Energy

​Sa kabuuan ng vlog, talaga namang ramdam ng mga manonood ang positive vibe at pagmamahalan ng pamilya Velasquez-Gaspar. Sa kabila ng mga asaran at kulitan ay nangingibabaw pa rin ang kanilang tunay at komportableng samahan.

​Umani naman ng mga positibong reaksyon mula sa netizens ang nasabing vlog:

​“Solid content na naman, Boss! Yung mabuhat mo nang sabay yung mga anak mo habang bata pa ay isa sa pinakamasayang karanasan sa buhay.”

​“Ito inaabangan ko sa’yo Boss Keng, mga island life mo!”

“Chill lang ang edit, sarap mag-beach bigla! Cutieeee Isla!”

Watch the full vlog below:

Angel Asay

Recent Posts

Celebrate Cong TV’s Birthday With Team PYMN Clothing’s Newest ‘Lincoln Club Collection’

Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…

18 hours ago

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

2 days ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

2 days ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

2 days ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Become the New Faces of MARSTEK Philippines

Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…

2 days ago

This website uses cookies.