Boss Keng Celebrates Three-Decade Existence with Epic ‘Beer Day’ Party

Kamakailan lang ay nagdiwang ng kanyang ika-30 na kaarawan ang Team Payaman Wild Dog na si Christian Ezekiel Gaspar, a.k.a Boss Keng.

Bilang paggunita sa kanyang ikatlong dekada, masaya siyang sinamahan ng kanyang pamilya, malalapit na kaibigan, at ng misis nitong si Pat Velasquez-Gaspar.

Alamin ang kaganapan sa likod ng kwelang ‘BEER-day’ celebration ng nag-iisang Boss Keng ng Team Payaman.

Beerday Salubong

Nitong Sept. 9 ay ipinagdiwang ni Boss Keng ang kanyang kaarawan sa pamamagitan ng isang simpleng handaan kasama ang grupo ng Team Payaman.

Sa pinakabagong vlog ni Pat Velasquez-Gaspar, ibinahagi nito ang naging kaganapan sa masayang selebrasyon.

Bago pa man magkasundo na magkaroon ng munting handaan, ilang birthday celebration idea proposal na ni Pat ang hindi tinanggap ni Boss Keng.

“Si Keng, ilang beses ko na siyang sinabihan na maghahanda kami, mag-celebrate kami ng ganito, magpapakain kami. Ang dami ko na sa kanyang pin-propose na birthday celebration pero ayaw ni Boss Keng, hindi ko alam kung bakit,” salaysay ni Pat.

Paliwanag naman ni Boss Keng: “Wala, ang gusto ko nga lang ay makasama ka maghapon.” 

Sinimulan ng mag-asawang Boss Keng at Pat ang kasiyahan sa kanilang paandar na “Shot Ka Muna, Beybe!” sa bawat taong papasok sa kanilang kwarto sa Payamansion. 

Una nang sumalang sa inuman ang VIYLine Girl na si Kha Kha Villes, na syang sinundan naman ng nag-iisang All Around Dudut at ilan pang miyembro ng Team Payaman.

Boss Keng at Thirty Celebration

Matapos ang matagumpay at kwelang beerday salubong, kinabukasan ay nagkaroon ng munting handaan sa loob ng Payamansion.

Sa tulong ng event stylist na Party Curator, binigyang buhay ang simpleng selebrasyon sa pagdidisenyo sa isang kwarto sa Payamansion. 

Bukod sa bonggang setup, hindi mawawala ang mga putaheng kukumpleto sa masayang kwentuhan at inuman.

At syempre, hindi ring pwede mawala ang kwelang sayawan at kulitan na syang pinangunahan ni Chino Liu, a.k.a Tita Krissy Achino at Kevin Hufana.

The Big Surprise

Hindi naman nagpahuli si Mrs.Gaspar sa kanyang surpresang regalo para kay Boss Keng.

“At dahil birthday ng aking asawa, mayroon ako sa kanyang munting regalo,” ani Pat.

Una sa listahan ng kanyang mga regalo ay ang GoPro camera na sinamahan pa ng mga accessories na syang makatutulong sa mga travel vlogs ni Boss Keng.

But wait, there’s more! May pa-drone camera rin si Mrs. Gaspar na syang ikinatuwa ng kanyang mister.

Birthday Wishes

Hindi lamang ang mga miyembro ng Team Payaman ang naghatid ng kanilang pagbati kay Boss Keng dahil inulan rin ng birthday wishes ang naturang vlogger mula sa mga supporters nito.

Sa Facebook post ni Pat, hindi nagpahuli ang mga netizens sa pagbati kay Boss Keng.

Mikko Quizon: “Happy birthday to you bro, Christian Gaspar wishing you all the best bro !!! God Bless”

Charlene Joy Sason: “Happy Birthday [Boss Keng]!”

Enaihr Zeuqirne: “Happy Happy Birthday [Boss Keng]!”

Jon Ace Cleope: “Happy Birthday Boss Keng!”

SanJose Espinosa Melissa: “Ganda tlga ni ate pat! Happy birthday po, Boss Keng!”

Christine Joy Ramos: “Happiest Birthday Boss Keng! More more blessings come and stay safe. Enjoy your day with your loved ones.”

At syempre, mula sa iyong VMG family, happy birthday sa nag-iisang Boss Madam ng Team Payaman, Christian Gaspar!

Watch the full vlog below: 

Yenny Certeza

Recent Posts

Pat Velasquez-Gaspar Reveals Honest Progress in Her Postpartum Weight Loss Journey

Ilang buwan matapos manganak sa bunso nilang si Baby Ulap, taas noong sumabak ang Team…

2 hours ago

Burong Macacua Shares Snippets of ‘Sun2Kan sa SkyDome’ Behind-the-Scenes

Masayang ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Burong sa kanyang mga manonood ang mga…

3 days ago

Mom Viy Cortez-Velasquez Shares Sweet Bedtime Moments with Kidlat and Tokyo

Isang sweet moment ang ibinahagi ni Mommy Viy Cortez-Velasquez matapos ang kanilang bedtime storytelling. Tunghayan…

3 days ago

TP Kids Takes Its Fun Learning Experience to Schools Across Metro Manila

With the goal of helping more kids enjoy learning, TP Kids is bringing its fun…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Kidlat Share Fun Moments in Recent Food Adventure Episode

Katatawanan at unli food trip ang hatid ng mag-inang Viy Cortez-Velasquez at Zeus Emmanuel Velasquez,…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez Shares Holiday-Coded Fit Inspo for Your Next OOTD

We’re just a few weeks away from the holiday season, have you planned your dazzling…

4 days ago

This website uses cookies.