Categories: Uncategorized

Yow Andrada Faces Challenges Finding New Place After Leaving Congpound

Naghatid ng katatawanan at pagninilay ang Team Payaman member na si Yow Andrada sa kanyang pinakabagong vlog sa Congpound, kung saan tampok ang mga pagbabagong naganap sa dating masiglang kapaligiran.

Sa gitna ng pagbabagong ito, umikot ang kuwento sa paghahanap ni Yow ng bagong matutuluyan, na nauwi sa sunod-sunod na pagbisita sa kanyang mga kaibigan at sa ilang hindi inaasahang sitwasyon.

Home Search

Sa unang bahagi ng vlog, inilarawan ni Yow Andrada ang katahimikan ng Congpound, na dati ay puno ng tawanan, biruan, at sabayang paggawa ng content. 

Ayon kay Yow, ang pagbabagong ito ay sumasalamin sa reyalidad na ang pagbabago ay isang permanenteng bahagi ng buhay.

“Things are meant to change. Ayon ang pinaka-constant na bagay na mararanasan mo sa buhay. Ayon lang ‘yun,” ani Yow.

Kasabay nito, lumutang ang kanyang personal na hamon—ang paghahanap ng bagong matitirhan matapos ang mga pagbabago sa kanilang samahan.

Sa pagpapatuloy ng vlog, makikita ang paglapit ni Yow sa ilang kaibigan at kapwa content creators, kabilang sina Cong TV, Jaime De Guzman, a.k.a Dudut, at Jun Matthew Brecio, a.k.a. Matthaios, sa pag-asang makahanap ng pansamantalang matutuluyan.

Una niyang nilapitan si Cong, ngunit nauwi lamang ito sa biruan at mga hindi praktikal na alok, kabilang ang pagpapalit sa pwesto ng kanilang alagang aso at ang ideya ng isang “pre-selling” na kwarto na matagal pa bago maisakatuparan.

Sumunod niyang pinuntahan si Dudut, ngunit muli siyang nabigo. Bagama’t may mga bahagi ng bahay na maaaring paglagyan, hindi ito naging konkretong solusyon. Maging ang paglapit niya kay Matthaios ay nauwi rin sa wala matapos linawin na wala ring bakanteng espasyo sa kanilang bahay.

Hindi rin naging madali ang paghahanap ni Yow sa labas ng kanilang grupo, kung saan ilang beses siyang tinanggihan ng isang may-ari ng bahay. Sa kabila nito, ipinakita niya ang kanyang pagiging maparaan sa pamamagitan ng pag-arte, pagkanta, at pakikipagbiruan upang makuha ang loob ng kausap.

Sa isang malikhaing hakbang, nauwi ito sa pagdadala ni Yow ng bulaklak bilang pagpapakilala at paghingi ng pagkakataon sa may-ari ng bahay, na kalaunan ay pumayag at pinagbuksan siya ng pinto.

Sa pagtatapos ng vlog, iginiit ni Yow na ang pagbabago ay bahagi ng buhay at ito ay hindi dapat tingnan nang negatibo, kundi bilang isang bagay na makabubuti. 

Netizens’ Comments

Samantala, nagpaabot ng halo-halong reaksyon ang mga manonood, kabilang ang pasasalamat sa mga alaala at saya na naibahagi noong panahon ng pandemya.

@kaitomato06: “Kakalungkot naman. ‘Yung mga magkakasama nagpapasaya during pandemic, watak watak na ngayon. Pero alam ko naman na magsasama-sama pa din kayo nila Mossing. Kayo pa ba, eh, kayo ang Team Payaman.”

@carloboymorante6627: “Si Yow talaga at Cong nagpapatawa sakin during pandemic days.”

@Malaya1224: “Itong pagbabago na ito ay hindi naman siya for bad, it’s for good. Aw, isa sa mga nagpasaya during pandemic era up to Congpound. Patuloy kang maging masaya, boss Yow!”

Watch the full vlog below:

Angelica Sarte

Recent Posts

Yiv Cortez Marks a Special Milestone in Her Psychology Journey

Masayang ibinahagi ni Yiv Cortez, nakababatang kapatid ni Viy Cortez-Velasquez, ang isang mahalagang milestone sa…

21 hours ago

Get to Know Viy Cortez-Velasquez’s Go-To Makeup Product for a Quick Glam Look

Looking for a quick way to add color to your everyday makeup routine? Team Payaman’s…

21 hours ago

Cong TV Hilariously Reacts to Junnie Boy and Boss Keng’s Pickleball Craze

Tampo mode on si Cong TV sa mga kapwa Team Payaman members na sina Junnie…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez Shows Off SHEIN Outfits with a Fun Treadmill Twist

Muling naghatid ng good-vibes sa netizens ang Team Payaman momma na si Viy Cortez-Velasquez matapos…

4 days ago

TPickleball Duo: Dudut Lang and Boss Keng Challenge Fellow Players to a Match

Magtagumpay kaya ang tambalang Dudut-Boss Keng matapos nilang hamunin ang ilang pickleball players sa isang…

5 days ago

Plan Your Next Barkada Staycation With Yiv Cortez’s Recommended Place

Since it’s almost the BER months, there’s no better way to welcome the holiday season…

5 days ago

This website uses cookies.