#VIYcozYouAsked: Team Payaman’s Kha-Kha Villes Reveals Her Ideal Guy

Kilala si Karen Joy Villes, a.k.a Kha-Kha, bilang isa sa mga miyembro ng Team Payaman. Isa si Kha sa mga unang kasama ni Viy Cortez habang nagsisimula pa lang ito sa negosyo nyang VIYLine Cosmetics. 

Pero sino nga ba si Kha-Kha at bilang isa sa mga single ladies ng Team Payaman Wild Cats, ano nga ba ang mga katangian na hinahanap niya sa isang lalaki?

‘Yan ang mga katanungan ng isang netizen na matapang na sinagot ni Kha sa “Viycoz You Asked” segment ng 4PM Kapitbahay Live Updates ng VIYLine Media Group (VMG). 

From agent to sales manager

Lingid sa kaalaman ng iba, bago naging ganap na VIYLine girl si Kha-Kha Villes ay nagsimula din ito bilang real estate agent.

Dahil sa kanyang sipag at malaking ambag sa tagumpay ng VIYLine Cosmetics ni Viy Cortez, hindi nagtagal ay siya na ang namumuno ng kanyang sariling team bilang sales manager. 

Source: @khakhavilles Instagram
Source: @khakhavilles Instagram

Sa kabila ng kanyang posisyon, puspusan pa rin ang pagtatrabaho ni Kha kaya naman patuloy na dinadagsa ng orders ang VIYLine Cosmetics araw-araw. 

At gaya ng kanyang butihing boss, hindi rin nito kinakalimutan na ibahagi sa kanyang pamilya at mahal sa buhay ang mga tinatamasang biyaya. 

Kha-Kha’s ideal guy

Sa VIYcoz You Asked segment ng 4PM Kapitbahay Live Updates sa Facebook ng VIYLine Media Group, matapang na sinagot ni Kha ang tanong ng isang netizen kung ano ba ang kanyang ideal guy. 

Bagamat “age doesn’t matter,” inamin ng 25-anyos VIYLine Sales Manager na mas gusto nya ang mga lalaking mas may edad kaysa sa kanya. 

“Mahilig ako sa matanda, bet ko yung mga higher sa edad ko, mga ten years yung gap. Kahit gaano ka-gwapo, pag nalaman ko yung edad na bagets or mas bata sakin, nawawala yung pagka-gwapo,” paliwanag ni Kha. 

Dagdag pa nito, bet na bet din niya ang mga lalaking  chubby o may mala “Dad Bod” na katawan dahil mas huggable ang mga ito. 

At higit sa lahat, hinahanap daw niya sa isang lalaki ay yung responsable at may hanapbuhay. 

“Hindi ko kailangan ng mayaman na lalaki kasi kaya kong magtrabaho para sa sarili. Ang kailangan ko yung mamahalin ko.”

VIYcoz You Asked, sasagutin yan agad-agad!

Kapitbahay, may katanungan ka din ba para sa Team Payaman members? Ano pang hinihintay mo, mag-abang na sa 4PM Kapitbahay Live Updates ng VIYLine Media Group sa Facebook tuwing Lunes hanggang Biyernes. 

I-comment lang ang #VIYcozYouAsked kasama ang katanungan sa inyong mga lodi at malay mo, ikaw na ang susunod na mapansin at ma-shoutout pa ng Team Payaman!

Kath Regio

Recent Posts

Ate Ivy Cortez-Ragos Takes Pinoy History to the Streets with Her New Mini Vlog

Mahilig ka ba sa mga lumang dokumentaryo o kwento tungkol sa ating bansa? Ganyan na…

1 day ago

Netizens React to Vien Iligan-Velasquez’s Heartfelt Message Addressing Critics

Punong-puno ng inspirasyon ang mensahe ni Vien Iligan-Velasquez para sa kanyang mga bashers matapos niyang…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez Shares New OOTD Picks from SHEIN Philippines

Known for her classic and aesthetic OOTD picks, Viy Cortez-Velasquez is back with a fresh…

3 days ago

Vien Iligan-Velasquez Comes Back with a Family Life Update Vlog

Muling nagbabalik ang Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez sa pagva-vlog hatid ang latest…

4 days ago

Kidlat Shines in Christmas-Ready Fits from Moose Gear Kids

With the Christmas season approaching, Team Payaman’s youngest member, Kidlat, shines in his recent fit…

4 days ago

Kha Kha Villes Expresses Gratitude to Team Payaman Amid Personal Loss

Sa gitna ng pagdadalamhati matapos ang pagkawala ng kanilang inaasahang anak, nagpahayag ng pasasalamat ang…

4 days ago

This website uses cookies.