Viy Cortez-Velasquez Opens Up on Love, Family, and Personal Growth on ‘Chad Kinis Show’ Season 2

Hindi nauubos ang tawanan sa pagbubukas pa lang ng ‘Chad Kinis Show,, lalo na nang maging guest ang Team Payaman vlogger at negosyante na si Viy Cortez-Velasquez. 

Sa unang minuto ng nasabing vlog interview, agad nang napansin ang kanyang signature na halakhak—malakas, totoo, at nakakahawa.

Viy’s Love Journey

Sa pagsisimula ng interview, napag-usapan nila ang buhay pag-ibig ni Viviys. Aminado si Viy na hindi naging madali ang simula nila ni Cong

Tulad ng karamihan, dumaan din sila sa immature at “toxic” na phase. “Dati, mga one year pa lang kami… naghiwalay kami,” kwento niya.

Sa loob ng labindalawang taon nilang relasyon, isang beses lang silang naghiwalay at nangyari pa ito noong hindi pa matibay ang pundasyon ng kanilang relasyon. 

Hindi raw umabot ng isang buwan ang hiwalayan. At sa huli ay siya rin daw ang hindi nakatiis.  “Ako ang pumunta sa bahay niya.” Doon niya na-realize na si Cong talaga ang gusto niyang makasama habang buhay.

Bukod sa lovelife, napag-usapan din ang kanyang personal na transformation. Ang kanyang “glow-up” ay hindi lang panlabas at ito ay bunga ng disiplina.

Mas pinipili na niyang ilaan ang kanyang energy sa tamang bagay gaya ng negosyo, pamilya, at sarili. “Gusto ko yung pakiramdam na pinapasalamatan ko yung sarili ko after one year,” pagbabahagi niya.

Ibinahagi rin ni Viy na bago ang lahat ng meron siya ngayon, nagsimula siya bilang ahente ng sasakyan. Hindi biro ang kanyang pinagdaanan—commission-based ang trabaho, at kung walang benta, ₱250 lang ang kita sa isang araw.

“Tumagal kami ni Cong ng dalawang taon na galing lang sa sahod ko,” kwento niya.

Sa halagang iyon, pinagkakasya nila ang lahat mula sa pang-araw-araw na gastos hanggang sa simpleng dates. Minsan pa nga, kailangan pang mag-ipon ng matagal para lang makapag-date.

Mula sa pag-benta ng merchandise sa restaurants hanggang sa pag-manage ng business, matindi ang kanyang work ethic. Napagtagumpayan niya ang balancing act ng entrepreneurship at pagiging ina, kasama ang pamilya at asawa lalo’t suportado rin siya ng kanyang pamilya na tumutulong sa kanya sa pangangasiwa ng mga kanyang negosyo. 

Discipline, Growth, and Building a Family

Bukod sa pamilya at career, ibinahagi rin ni Viy ang kanyang approach sa shopping at financial discipline. 

“Mas matipid ako ngayon dahil may mga anak na ako. Ngayon, medyo matalino na ako gumastos. Hindi magastos, matalino,” paliwanag niya. 

Kahit sa luxury brands, may strategy at budget-conscious approach siya, pero natutunan na rin niyang mag-enjoy sa mga bagay na gusto niya.

“Ngayon, kapag may gusto akong bilhin, kaya ko na. Pero hindi lahat. May budget lang ako. Mas masaya ngayon, kasi alam mo yung worth ng bawat bagay,” dagdag niya.

Mula sa kanyang love story, personal growth, family experiences, at career journey, ipinakita ni Viy Cortez-Velasquez ang iba’t ibang aspeto ng kanyang buhay at kung paano niya hinaharap ang bawat hamon. Ang kanyang kwento ay isang pagsasalamin ng pagpupursige, pagtutok sa sarili at pamilya.

Watch the full vlog below: 

Carmellie Ocampo

Recent Posts

Cong TV Introduces New Editor Oliver Agres in Latest Vlog

Sa pinakabagong vlog ni Cong TV, tampok ang pagdating ng Canadian content creator na si…

14 hours ago

Vien Iligan-Velasquez and Junnie Boy Join Dudut Lang in a Fun Cooking Session

Muling nakasama ng resident cook ng Team Payaman na si Dudut Lang ang mga kaibigan…

1 day ago

Don’t Miss Out: Viyline Skincare’s Massive Buy 1 Take 1 Sale Returns This May 1

In case you missed the first Viyline Skincare Day, don’t fret! You’re in for another…

1 day ago

B1T1 Takeaway Coffee Officially Joins Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat as Official Coffee Brand Partner

Viyline Media Group is bringing back its highly anticipated Team Payaman Fair to SMX Convention…

1 day ago

Cong TV Takes On Extreme Cooking Challenge With Mang Tomas

Isang pangmalakasang buwis-buhay na promotion ang hatid ni Cong TV para sa Mang Tomas matapos…

2 days ago

Team Payaman Power Couples Take On Fun Swap Partner Challenge

Sa bagong vlog ni Viy Cortez-Velasquez, isang masayang hamon na naman ang kanyang hatid kasama…

2 days ago

This website uses cookies.