Vien Iligan-Velasquez Reveals Secret Struggles and Heartbreak Behind the Camera

Sa pinakabagong episode ng Makeup Sessions YouTube series ng Team Payaman Friend na si Michelle Dy, isang mas matapang at mas bukas na Vien Iligan-Velasquez ang humarap sa camera. 

Dito, muling nagpakatotoo ang Team Payaman vlogger tungkol sa mga aspeto ng kanyang buhay na hindi laging nakikita sa kanilang mga vlogs.

​Beyond the Vlogs

Bagama’t kilala ang kanilang pamilya sa pagpapakita ng saya, kulitan, at tila perpektong buhay sa YouTube, inamin ni Vien na hindi sila ligtas sa mga mabibigat na hamon. Ayon sa kanya, gaya ng ibang mag-asawa, patuloy nilang “wino-work out” ang kanilang relasyon sa likod ng camera.

​”Walang perfect. Walang perfect, mga mare. ‘Wag niyo kami masyadong sambahin sa kung paano kaming mag-asawa, paano kami magpalaki ng anak. Kasi ano din kami eh, parang getting to know… Wino-workout namin lahat talaga,” ani Vien.

​

Ibinahagi rin niya ang isang masakit na kabanata na itinago nila sa publiko—ang pagkawala ng kanilang third baby dahil sa kanyang miscarriage. Ayon kay Vien, naging sandigan niya ang asawang si Junnie Boy sa mga panahong ito. 

Dahil sa emosyonal na suporta ng asawa, mas lalong lumalim ang kanilang relasyon at nakita niya ang pagbabago at pag-mature ni Junnie mula nang maging ama ito.

​The Quest for Individual Identity

Matapos ang ilang taon bilang bahagi ng sikat na grupo, ibinahagi ni Vien ang kanyang pagnanais na bumuo ng sariling pangalan. Bagama’t proud na miyembro ng Team Payaman, nais niyang makilala ang publiko sa kanyang sariling kakayahan at hilig.

“Kasi nga kilala ako sa as Team Payaman Vien, Mommy. So parang gusto kong mag-explore. Gusto kong pasukin ‘yung ibang bagay. Parang gusto kong makilala as Vien.”

Dahil dito, aktibo niyang ginalugad ang mundo ng beauty and fashion upang bumuo ng sariling brand.

Inamin niya na dahil maaga siyang sumabak sa pagiging ina, hindi niya masyadong naranasan ang youthful era ng kanyang buhay, kaya naman ngayon ay sinusubukan niyang hanapin ang sarili sa tulong at suporta ng kanyang pamilya

​The Glow Up

Hindi rin naging madamot si Vien sa pagbabahagi ng kanyang karanasan sa cosmetic procedures. Inamin niya ang pagpapa-rhinoplasty at chin fillers dalawang taon na ang nakararaan. 

Ang desisyong ito ay bunsod ng matagal na insecurities mula pa noong kabataan dahil sa mga body shaming comments na natatanggap niya mula sa mga nakatatanda.

​Bagama’t naging mahirap ang desisyon, naging malaking factor ang pag-unawa at blessing ni Junnie Boy. 

Sa kabila ng mga online bashers, nananatiling unapologetic si Vien. Aniya, ang mahalaga ay masaya siya sa kanyang desisyon at dumaan siya sa tamang proseso at research.

​Higit pa sa physical glow-up, layunin ni Vien na maging ehemplo ng positive reinforcement. Dahil sa naranasang panlalait noon, naging maingat siya sa pagpapalaki kina Mavi at Viela. Nais niyang putulin ang cycle ng body shaming sa loob ng pamilya upang lumaking may mataas na self-esteem at kumpiyansa sa sarili ang kanyang mga anak.

​

Angel Asay

Recent Posts

3 Reasons B1T1 Takeaway Coffee is the Ultimate Fuel for Busy Mornings

Coffee is a non-negotiable staple for every Filipino—not just in the morning, but throughout the…

2 days ago

Luxury in a Cup: How B1T1 Takeaway Coffee Bridges Quality and Everyday Pricing

In today’s fast-paced world, coffee has become the go-to for every Filipino in daily life.…

3 days ago

Velasquez Family Brings Love, Laughter, and Healthy Family Bonding to Purple Hearts’ Newest Campaign

The Velasquez Family proudly shared a special project close to their hearts as they teamed…

4 days ago

Boss Keng Switches Up His Daily Routine With Fitness and Family Bonding

Sa gitna ng pagiging abala sa araw-araw, sinubukan ni Boss Keng na baguhin ang kanyang…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez Turns Japan Trip Into a Special Experience for Ate Mina

Isang simpleng family trip sa Japan ang naging pagkakataon ng Team Payaman mom na si…

6 days ago

MassKarambulan: Team Payaman Wild Dogs Take Over Bacolod with Mountain Dew

Isang masayang pagbabalik-tanaw sa kabataan at mga kwentong puno ng tawanan ang hatid ng bagong…

6 days ago

This website uses cookies.