Isa na namang nakakatakam na episode ang hatid ni Dudut Lang sa recent episode ng ‘Dudut’s Kitchen.’
Tunghayan kung paano niya napahanga ang kaibigan sa kanyang pangmalakasang Sinigang recipe.
Sa kanyang bagong vlog, isang kaibigan ang ibinida ni Jaime Marino de Guzman, a.k.a Dudut Lang, kung saan kanya niya itong tuturuang magluto ng Crispy Sinigang.
Biro ni Dudut, kanyang tuturuan ang kaibigan kung paano magluto upang mapatunayan na talagang masarap siyang magluto.
Agad na nilang inihanda ang mga gagamiting rekados gaya ng kamatis, sibuyas, pork stock, karne, talong, at marami pang iba.
Hands-on din si Dudut sa pagtuturo kung paano ang tamang paghiwa at pagpapakulo ng mga ginamit na sangkap.
Sunod nilang pinalambot ang lechong kawali sa broth ng Sinigang upang mas maging malinamnam ito.
Tuloy-tuloy na ang kanilang pagluluto hanggang sa oras na upang malaman ang hatol ng kanyang kaibigan sa niluto nila ni Dudut.
Nang matapos na sa paghahanda ng kanilang Crispy Sinigang, hindi na naitago ng dalawa ang pagkatuwa sa kinalabasan ng kanilang niluto.
“Asim, sister! Nalalasahan ko ‘yung pagka-crispy niya. Nadale mo!” reaksyon ng kanyang kaibigan.
“Sabi ko sa’yo eh! Kaya confident na lang ‘yan,” pabirong sagot ni Dudut.
Watch the full vlog below:
Coffee is a non-negotiable staple for every Filipino—not just in the morning, but throughout the…
In today’s fast-paced world, coffee has become the go-to for every Filipino in daily life.…
The Velasquez Family proudly shared a special project close to their hearts as they teamed…
Sa gitna ng pagiging abala sa araw-araw, sinubukan ni Boss Keng na baguhin ang kanyang…
Isang simpleng family trip sa Japan ang naging pagkakataon ng Team Payaman mom na si…
Isang masayang pagbabalik-tanaw sa kabataan at mga kwentong puno ng tawanan ang hatid ng bagong…
This website uses cookies.