Viy Cortez-Velasquez Plays Matchmaker in Romantic ‘Love At First Bite’ Episode

Isang panibagong serye ang handog muli ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez sa unang episode ng ‘Love at First Bite.’

Tunghayan ang mga nakakakilig at nakakatuwang mga tagpo sa ultimate matchmaking vlog na handog ni Viviys.

Love At First Bite

Sa kanyang recently uploaded video, ipinakilala ni Viy Cortez-Velasquez ang ‘Love At First Bite’ serye sa kanyang mga manonood. 

Kasama ni Viy ang kanyang kaibigan na si Andi na game na game na nakiisa sa kaniyang matchmaking activity.

Kwento ni Viviys, pumayag ang kanyang kaibigan sa nasabing aktibidad dahil handa na rin itong kumilala ng bagong tao sa kanyang buhay.

“Ako si Andi. 12 years nang single. Tapos ngayon, ready naman na [ako] kasi namimiss ko na,” kwento niya.

The Blind Date

Ang konsepto ng nasabing vlog content ay umiikot sa pagpapares ni Viviys sa kanyang kaibigan sa iba’t-ibang lalaking may kakaibang personalidad at mga hilig.

Ang mga lalaking kalahok ay mamimili ng mga putaheng inihanda ng Olive Garden upang ilarawan ang katangian o personalidad ni Andi na kanila ring pagsasaluhan ng dalaga.

Si Jerwin ang unang sumalang sa matchmaking activity kung saan hinandugan niya ng chicken dish dahil nais niyang maging healthy si Andi.

Ang sunod na kandidato naman ay naghandog ng Chicken Alfredo kay Andi dahil para sa kanya, ‘very knowledgeable’ si Andi sa mga pagkain dahil Culinary Arts graduate ito.

Chicken Parmigiana naman ang inihandog ng sunod kalahok.

“It’s very appealing, I believe na kapag ito ‘yung inihain sa’yo, it’s the best for you,” paliwanag niya.

Upang kumpletuhin ang listahan ng mga makaka-blind date ni Andi, nakiisa rin ang Team Payaman member na si Bok Magnata.

Dala niya ang isang mangkok ng salad sa kadahilanang masustansya at malinis ang pagkakagawa nito.

Para sa elimination round, napili ni Andi ang una, pangatlo, at pang-apat na kalahok na magpapatuloy sa kanilang matchmaking activity.

Binigyan din ni Viviys ng tig-dadalawang minuto ang bawat kandidato upang ipakilala ang kanilang sarili kay Andi. Sa pagkakataong ito, namaalam na si Bok dahil napili ni Andi ang una at ikatlong kalahok.

Para sa huling parte, binigyan muli ni Viviys ang kaibigan ng dalawang minuto upang makausap at mas makilala pa ni Andi ang mga natitirang contenders.

Sa huli, nakaramdam ng ‘Love at First Bite’ si Andi kay ‘Biter’ #3.

“May similarities kaming dalawa sa perception sa life, sa characteristics,” paliwanag ni Andi.

Watch the full video below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Viy Cortez, Zeinab Harake, and Ivana Alawi Go All-Out in a Fun Public Resort Bonding

Naging instant source of good vibes at katatawanan online ang bonding ng magkakaibigang Zeinab Harake-Parks,…

3 hours ago

Velasquez Family Brings Love, Laughter, and Healthy Family Bonding to Purple Hearts’ Newest Campaign

The Velasquez Family proudly shared a special project close to their hearts as they teamed…

6 days ago

Boss Keng Switches Up His Daily Routine With Fitness and Family Bonding

Sa gitna ng pagiging abala sa araw-araw, sinubukan ni Boss Keng na baguhin ang kanyang…

6 days ago

Viy Cortez-Velasquez Turns Japan Trip Into a Special Experience for Ate Mina

Isang simpleng family trip sa Japan ang naging pagkakataon ng Team Payaman mom na si…

1 week ago

MassKarambulan: Team Payaman Wild Dogs Take Over Bacolod with Mountain Dew

Isang masayang pagbabalik-tanaw sa kabataan at mga kwentong puno ng tawanan ang hatid ng bagong…

1 week ago

Dudut Lang Exposes the Truth Behind His 11-Year Relationship and Team Payaman on ‘Galit-Galitan Podcast’!

Mas pinainit ang pinakabagong episode ng Galit-Galitan Podcast ng social media personality na si JB…

1 week ago

This website uses cookies.