Kamakailan lang ay inilabas na ng bandang Libre ang opisyal na music video ng kantang pinamagatang “Sana.” Bida rito ang Team Payaman editor na si Brylle Galamay, a.k.a Bods at ang dating beauty queen/ actress na si Isabelle Delos Santos.
Samu’t sari ang naging reaksyon ng netizens sa tila “mapanakit” na music video. Pero ano nga ba ang kwento sa likod ng kantang ito? May aasahan ba tayong nakakakilig na part 2? May namuo bang “spark” habang ginagawa ang music video?
‘Yan ang mga tanong na matapang na sinagot ni “Libre” frontman Kevin Hermosada sa eksklusibong panayam ng VIYLine Media Group (VMG).
Ayon kay Team Payaman editor/ vlogger/ singer Kevin Hermosada, simple lang ang naging inspirasyon niya sa pagsulat ng kantang “Sana.”
Ito ay ang mga taong nasaktan at umasa sa mga nakamabutihan nila noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
Kwento ni Kevin, hango sa totoong istorya ng isa nyang malapit na kaibigan ang pinaghuhugutan ng emosyon ng nasabing awitin.
“Habang naggigitara kami ay bigla siyang napakwento. Five minutes ko lang nagawa yung lyrics at melody,” ani Kevin.
Dagdag pa nito, ang mga eksena sa music video na pinagbibidahan nina Bods at Isa ay hango rin sa pangyayari sa tunay na buhay.
Gaya ng maraming Team Payaman fans, inamin ni Kevin na isa din sya sa mga kinilig sa tambalang Bods at Isa.
Nagsimulang ipagpares ang dalawa nang tuksuhin sila sa isa’t-isa ni Yow Andrada sa kanyang vlogs kahit hindi pa man nagkikita ang dalawa sa personal o online.
Bukod dito, nais din aniya ni Kevin na ilabas ang iba pang talento ng Team Payaman members.
Pero ang tanong ng lahat, may dapat bang abangan na karugtong ang bitin na kilig nina Bods at Isa sa naturang music video?
Ayon kay Kevin Hermosada, nasa “Sana” music video mismo ang sagot nagbabagang tanong na iyan ng netizens.
Samantala, marami naman ang pumuri sa nakakakilig na on-screen chemistry nina Bods at Isa. Ikinatuwa ng lahat ang kanilang natural na karisma at pag-arte sa naturang music video.
Ito na kaya ang simula ng Bods-Isa Fan Club? Abangan ang susunod na kabanata.
Watch Sana official music video below:
Kamakailan lang ay binisita ng renowned culinary expert na si Chef Gordon Ramsay ang bansa…
Kamakailan lang ay lumipad patungong Japan ang mag-asawang Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez upang ipagdiwang…
In case you missed it, VIYLine Group of Companies is heading north for the VIYLine…
Isa ang Team Payaman vlogger na si Pat Velasquez-Gaspar sa inaabangan ng mga netizens dahil…
Bilang pagsalubong sa bagong taon, ilang pangmalakasang Megalodon dishes ang hatid ng resident chef ng…
There’s no better way to spend your kids’ free time than to let them learn…
This website uses cookies.