Cong TV Takes On Extreme Fishing Challenge For Wife’s Tuna Cravings

Isang legendary vlog ang hatid ng Team Payaman Wild Dogs, Y Kulba, at Team Harabas matapos sumabak ang Team Payaman member na si Cong TV sa pangmalakasang fishing experience sa Mindoro.

Tagumpay nga ba si Cong TV na maibigay ang cravings ng asawang si Viviys? Alamin!

‘Tunay’

Tampok sa pinakabagong vlog upload ni Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV, ang kakaibang hiling ng asawang si Viy Cortez-Velasquez na isdang Tuna. Hirit pa nito ay ayaw niya ng binili lang, kundi ay hinuli mismo ng kanyang asawa.

Agad namang nakahingi ng saklolo si Cong sa grupo ng mga kaibigang kapwa vloggers kabilang na ang Y Kulba at Team Payaman Wild Dogs na sina Boss Keng, Junnie Boy, Burong, at Bok.

Nagtungo ang grupo sa Occidental Mindoro kung saan naninirahan ang Team Harabas na pinapangunahan ni Jeff Harabas na kilala sa mga content patungkol sa ‘catch and cook’ na uri ng pangingisda at iba pang klase ng extreme adventure.

Hindi pinalampas ni Cong ang  pagkakataong makahingi ng ilang payo sa Team Harabas upang mapagtagumpayan ang misyon na makapanghuli ng isdang Tuna para sa asawa. 

Mapapanood sa vlog ang proseso ng paghahanda ng buong grupo para sa kanilang extreme fishing challenge, pati  na rin ang kasiyahan sa tuwing nakakahuli na sila ng isda. 

Kalaunan ay dumating na rin ang panahon na makikitang nakahuli si Cong ng mabigat at nanlalaban na isda na pinaghihinalaan nilang Tuna. Noong inahon ito ay buong galak na ipinagdiwang ng grupo ang tagumpay na huli.

Happy Wife, Happy Life

Agad inuwi ni Cong ang ‘nahuling Tuna’ para sa asawang si Viy na labis naman ang pagka-proud at pagpapasalamat sa effort niya.

“Wow! Thank you, love! Grabe ang effort mo naman! Talagang hinuli mo ‘yan para sa akin?,” tanong ni Viviys.

Lingid sa kaalaman ng asawa, at pati na rin ng mga manonood, na ang nahuling tuna ay nabili at tinawaran lamang sa palengke. Samantala ang isda naman na kunwaring nanlalaban ay ginanapan lamang din ng isa sa mga mangingisda na si Kuya Melchor. 

“Wag kayo maingay kay Viviys,” biro pa ni Cong.

Watch the full vlog here:

Alex Buendia

Recent Posts

Celebrate Cong TV’s Birthday With Team PYMN Clothing’s Newest ‘Lincoln Club Collection’

Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…

15 hours ago

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

2 days ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

2 days ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

2 days ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Become the New Faces of MARSTEK Philippines

Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…

2 days ago

This website uses cookies.