CARambola EP 2: Netizens Poke Fun Of Viy Cortez-Velasquez Latest Vlog Collaboration

Isang hindi inaasahang pagsasama-sama ng iba’t ibang personalidad ang mapapanood sa bagong episode ng vlog ni Viy Cortez-Velasquez na “CARambola.”

Nagsimula ang episode sa simpleng eksena kung saan sinabi ni Viy na nagugutom siya at naghahanap ng makakainan. Habang nagmamaneho, bigla niyang nadaanan ang aktres na si Carla Abellana at agad niya itong inaya na kumain.

Sa kanilang maikling usapan, pinuri ni Viy ang kagandahan ng aktres at sinabing para itong “Mama Mary,” na siyang ikinatuwa naman ni Carla.

Unexpected Collab

Habang nasa biyahe, isa pang hindi inaasahang pasahero ang kanilang nadaanan — ang rapper na si Bugoy na Koykoy. Upang gawing mas masaya ang biyahe, nagkaroon sila ng impromptu acting skit kung saan ginampanan ni Viy ang isang ina habang si Bugoy naman ang lalaking gustong pakasalan ang kanyang anak na si Carla. 

Hindi pa doon natapos ang mga sorpresa nang biglang sumakay din sa kotse ang internet personality na si Kween Yasmin. Pagpasok pa lamang niya ay agad niyang ipinakita ang kanyang signature style sa pag-awit.

Mabilis niyang ginawan ng kanta ang mga salitang binabanggit ng kanyang mga kasama, pati na rin ang isang spoken poetry na inialay kay Bugoy na Koykoy. 

“Speechless ako sa’yo,” ani Bugoy kay Kween Yasmin.

Sa kalagitnaan ng biyahe, nakasalubong din nila ang isang impersonator ng WWE character na si ‘The Undertaker,’ na sandaling nakisakay at nakipagkulitan sa grupo.

Funny Moments

Nagpatuloy ang kanilang kwentuhan sa pamamagitan ng question-and-answer segment, kung saan tinanong kung mas pipiliin ba nilang mabuhay sa past o future. 

Nagkaroon din sila ng kakaibang laro, kung saan bubunot sila ng mga bagay at ipapaliwanag kung paano magiging makabuluhan ang kanilang buhay kung sila ay mare-reincarnate.

Kabilang sa mga nabunot ang rambutan, ipis, white lady, at pinto — na nagbigay ng iba’t ibang nakakatawa at creative na sagot mula sa grupo.

Sinundan pa ito ng isa pang laro kung saan bubunot naman sila ng mga hayop at papalitan ang karaniwang tunog ng mga ito. Dahil sa mga kakaibang sound effects at banat ng bawat isa, lalo na ni Kween Yasmin, lalo pang naging laughtrip ang kanilang car ride.

Sa pagtatapos ng episode, gumawa pa si Kween Yasmin ng isang impromptu na kanta para sa kanilang collab na pinamagatang “CARambola.”

Ang kakaibang kombinasyon ng mga personalidad sa vlog ay agad namang umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens, na natuwa at nagulat sa hindi inaasahang collab ng mga kilalang online personalities at celebrities.

Watch the full vlog below:

Carmellie Ocampo

Recent Posts

Celebrate Cong TV’s Birthday With Team PYMN Clothing’s Newest ‘Lincoln Club Collection’

Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…

15 hours ago

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

2 days ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

2 days ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

2 days ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Become the New Faces of MARSTEK Philippines

Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…

2 days ago

This website uses cookies.