Team Payaman Wild Cats Share Life Revelations in Viy Cortez-Velasquez Latest Vlog

​

Hindi lang busog ang tiyan kundi busog din sa rebelasyon ang mga manonood matapos ibahagi ni Viy Cortez-Velasquez ang pinakabagong episode ng YouTube serye na ‘CHIKAINAN’ kasama ang Team Payaman Wild Cats.

​Sa pinakabagong vlog, tampok ang nakakatakam na food trip ng ilang Team Payaman members sa sikat na Fusion Alley sa Sampaloc, Manila. 

Habang tinitikman ang iba’t ibang TikTok-viral na mga putahe, hindi nakaligtas ang grupo sa inihandang “Q&A” segment ni Viviys para sa kanyang mga kaibigan.  

​Career Over Love

​Isa sa mga highlight ng vlog ay nang mabunot ang paksa tungkol sa buhay pagibig. Dito, naging tapat si Chino tungkol sa kanyang pagiging single sa loob ng walong taon. Ayon sa kanya, simula noong 2018 ay mas pinili niyang mag-focus sa pagpapalago ng kanyang career.

​“Saktong-sakto dahil lubog ang love life ko ngayon… Ibig sabihin ‘pag lubog ang love life, angat ang karera,” biro ni Chino habang nage-enjoy sa kanilang food crawl.

​The Realities of Marriage and Motherhood

​Habang hinihintay ang ibang order na pagkain, naging mas seryoso ang usapan nang mapunta ito sa paksa ng Marriage.

​Ibinahagi ni Mommy Pat Velasquez-Gaspar ang mga sakripisyo ng isang ina, partikular na ang pagiging “lugi sa tulog” dahil sa pag-aalaga ng kanyang dalawang anak, lalo na’t mayroon siyang 10-month-old baby na si Ulap.

​Samantala, nagbahagi rin sina Viviys, Aki Macacua, Abigail Hermosada, at Kha Kha kung paano nila pinapanatiling masigla at umuusbong ang kanilang mga buhay. 

Binigyang-diin nila na sa likod ng mga biruan dahil pare-parehas na may komedyang partner, ang humor o pagiging masiyahin ang isa sa mga sikreto para mas magaan na malampasan ang anumang hamon sa buhay-may-asawa.

​A Decade of Friendship

​Sa dulo ng vlog, ipinakita ng grupo ang lalim ng kanilang samahan na nagsimula pa noong 2009. Sa kabila ng kani-kanilang abalang schedule bilang mga entrepreneurs at content creators, sinabi nilang walang kapos na friendship sa kanilang grupo dahil palagi silang naglalaan ng oras para sa isa’t isa.

Watch the full vlog below: 

Angel Asay

Recent Posts

Celebrate Cong TV’s Birthday With Team PYMN Clothing’s Newest ‘Lincoln Club Collection’

Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…

15 hours ago

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

2 days ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

2 days ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

2 days ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Become the New Faces of MARSTEK Philippines

Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…

2 days ago

This website uses cookies.