Muling pinasilip ni Dudut Lang ng Team Payaman ang kanyang adventures sa Singapore. Sa kanyang nakaraang vlog ay turista ang peg ng nag-iisang Jaime De Guzman, pero ngayon tila “business as usual” ang pakay ng vlogger-turned-music artist ng tropa.
Bukod naman sa kaibigan at music partner na si Matthiaos, bida rin sa bagong vlog ni Dudut ang anak ni Pambansang Kamao at Senador Manny Pacquiao na si Michael Pacquiao.
Ano kaya ang pakay ng grupo sa Singapore? Ating alamin kasama ang VIYLine Media Group (VMG).
Bago tuluyang makarating sa opisina ng Spotify sa Singapore ay pinakita ni Dudut ang kanilang travel journey sa tinaguriang “Lion City of Asia.”
Ito kasi ang unang beses na sasakay sa pampublikong transportasyon si Michael Pacquiao kung kaya hindi pinalampas ni Dudut ang pagkakataon na biruin ito.
Aminado naman ang anak nina Senator Pacquiao at Jinkee Pacquiao na kabado syang bumiyahe, pero tila nakampante ito kasama sina Dudut at Matthaios.
Pagdating sa Spotify Singapore ay nilibot ng grupo ang kanilang state-of-the-art na opisina. Dito nakita ni Dudut ang isang sign na bumibida sa “Payaman Insider” podcast ng kapwa Team Payaman members na sina Junnie Boy, Boss Keng, Burong, at Tier One CEO Tryke Gutierrez.
Pinasyalan din nila Dudut ang opisina ng YouTube at Google sa naturang bansa.
Samantala, sa kanilang libreng oras ay pumunta naman ang tropa sa Madame Tussauds – isang sikat a wax museum sa Sentosa, kung saan makikita rin ang wax figure ni 2018 Miss Universe Catriona Gray.
Kabilang sa mga wax figure na nakita ni Dudut ay ang mga kilalang action stars na sina Bruce Lee at Jackie Chan at maging ang sikat na Chinese basketball star na si Yao Ming.
Bago bumalik ng Pilipinas ay hindi nakalimutan ni Dudut na bilhan ng pasalubong ang kanyang pamilya at mga kaibigan sa Payamansion.
Habang papunta sa pamilihan ay ibinahagi ni Dudut na totoo ang katagang “first impression never last,” dahil napatunayan nyang mali ang una niyang tingin sa mga Singaporeans.
“Akala ko masusungit talaga sila. Pero na-realize ko pag kinausap mo sila, ang babait nilang kausap at ang tatalino,” ani Dudut.
“Ang obserbasyon ko, hindi sila masusungit. Sadyang mababa lang yung social skills nila, yun ba tawag dun? Parang mahiyain sila, pero pag kinausap mo sila ang bilis nilang patawanin,” dagdag pa nito.
Watch the full vlog below:
Matapos mabiktima ng prank sa nakaraang vlog, seryoso na ngang sumailalim si Coach JM sa…
Nag-alab ang excitement noong Linggo, July 20, sa nagdaang Star Magic All-Star Games 2025 nang…
Dahil nalalapit na ang inaabangang paghaharap ng Cong’s Anbilibabol Basketball Team at Star Magic boys,…
It is no secret that Team Payaman’s Vien Iligan-Velasquez is one to look out for…
Muling nagbabalik ang Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez hatid ang ika-limang episode ng…
Matapos ang buwis-buhay na content sa Cebu, kaabang-abang na naman ang bagong vlogs na inihahanda…
This website uses cookies.