Race to the Fair: Team Payaman Gears Up for a Fun Team Payaman Fair Teaser Vlog

Nagsama-sama ang mga miyembro ng sikat na vlogger group ng bansa na ‘Team Payaman’ para sa TP Race To The Fair vlog na handog ni Viy Cortez-Velasquez.

Tunghayan ang mga tagpo at konsepto ng nasabing hamon na siyang susi para sa inaabangang Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat!

TP Race To The Fair

Sa latest vlog ni Viy Cortez-Velasquez, nagsama-sama muli ang Team Payaman upang isagawa ang Team Payaman Race To The Fair challenge.

Ang konsepto ng vlog ay umiikot sa mga hamong inihanda ng grupo nina Viy upang masukat ang pagkakaisa at galing ng bawat Team Payaman members.

“Kailangan nilang patunayan kung sino talaga ‘yung pinaka competitive sa grupo!” bungad ni Viviys.

Ginanap ang nasabing hamon sa SM Mall of Asia kung saan din idadaos ang nalalapit na Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat.

Nahati sa apat na grupo ang Team Payaman—ang Team Red, Team Blue, Team Green, at Team Yellow.

Ang Red Team ay binubuo nina Junnie Boy, Vien, Chino Liu, Kuya Terio, Bok, at Datwo. Sina Viviys, Cong TV, Kuya Inday, Kuya Jonas, Genggeng, at Ate Lanie naman sa grupo ng Blue.

Samantala, sina Boss Keng, Pat, Kuya Lim, Sonny J, Mentos, at Nigel naman ang mga kabilang sa Team Green. Binubuo naman nina Carding, Dudut, Steve, Burong, Yow, at Kevin ang Team Yellow.

Ang dalawang team na mauunang makatapos at mananalo sa mga hamon ay tatanghaling panalo at mag-uuwi ng tataginting na P100,000!

Nagsilbing mga lider ng kani-kanilang grupo sina Cong TV, Burong, Junnie, at Boss Keng.

Game na game na kumasa ang bawat isa sa mga hamong inihanda ng Team Viviys kung saan binigyan ang bawat grupo ng mga clue upang maisagawa ang mga hamon. Ang bawat matatapos na task ay may katumbas na gold ticket. 

Sa unang hamon, kinakailangang makahanap ng limang kahong naglalaman ng winter outfits ang bawat grupo at kinakailangang suotin ito ng isang miyembro.

Sunod namang hamon ay ‘arm wrestling’ laban sa mga bouncers kung saan ang bawat napiling miyembro ay binigyan ng unlimited tries upang manalo. Kung sino man ang magtatagumpay ay makakakuha ng silver tickets.

Matapos ang arm wrestling ay sumalang na ang grupo sa loob ng ice skating rink kung saan kinakailangang mahanap nila ang limang hockey pucks na magsisilbing token para sa susunod na hamon.

Sumugod naman ang mga grupo sa ‘Game Park’ ng nasabing mall upang masubukan ang paglalaro ng Basketball, Archery, Darts, Billiards, at Bowling.

Matapos nito, akyat na umakyat ang Team Payaman sa ika-apat na palapag kung saan matatagpuan ang open field para sa kanilang ikaapat na hamon.

Kinakailangang makuha ng isang matapang teammate ang ticket sa kahong puno ng mabangis na hayop gaya ng ahas.

Para sa semi-final challenge, ang unang dalawang team na mapapasok ang bola sa loob ng net ang siyang tatanghaling panalo sa nasabing hamon.

Unang nakapuntos ng dalawa ang Team Green at ang Team Red—dahilan upang maiuwi nila ang premyo.

Lahat ng nakuhang mga special tickets ng mga grupo ay katumbas ng mga makukuha ng mga attendees ng Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat.

Ang bawat attendees ay magkakaroon ng 1 raffle entry na magbibigay ng pagkakataon sa kanila na manalo ng mga nasabing special tickets.

Ang final showdown ng dalawang grupong nanalo ay gaganapin sa nalalapit na Team Payaman Fair na dapat pakaabangan ng mga solid TP fans.

Exciting Comments

Samantala, marami ang nagalak para sa nalalapit na Team Payaman Fair ngayong December 27-30, 2026 matapos mapanood ang naturang vlog.

@hesoyam22: “Grabe parang early days lang ng Running man korea!!!!!”

@Jalibejoy: “SI ATE VIVIYS AT SI KUYA CONG PALANG YATA YUNG UNANG VLOGER NA NAG LARO SA MOAAA”

@vanessa-b7g5w: “Ito yung TEAM na pwedeng ipagsigawan na mga CONTENT CREATOR talaga. ndi nila need ng mga clout or sumasakay sa bawat issue. Kaya TEAM PAYAMAN IS THE BEST!”

@ronaldhermones768: “Ito ung nakakamiss ung buong team payaman ang naglalaro.. iba tlga mag isip ng vlog si ate Viy!”

@ReinMorioles: “Nakaka happy na makitang nag sama sama ulit ang TP/ kahit wala ung ibang OG  sobrang tagal narin hindi natin sila nakita sa iisang screen. 🙂 Enjoy!”

Para sa mga nais makisaya sa Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat, pwedeng pwede na bumili ng inyong mga tickets sa teampayamanfair.com!

Tara na po ulit ngayong December 27-30, 2026 sa SMX Convention Center Manila! Manatiling nakatutok sa official Facebook page ng Team Payaman Fair at Viyline Media Group para sa karagdagang updates.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

10 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

14 hours ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

14 hours ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

14 hours ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Become the New Faces of MARSTEK Philippines

Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…

14 hours ago

Viy Cortez-Velasquez’s Well-Loved Makeup Brand Is Giving Away PR Kits To Aspiring Content Creators

Cielo, an up-and-coming makeup brand, is creating a buzz on social media, with Viy Cortez-Velasquez…

4 days ago

This website uses cookies.