Boss Keng and Pat Velasquez-Gaspar Enjoy a Quick Escape in Tagaytay

Napuno ng matatamis na tagpo ang quick getaway nina Boss Keng at Mommy Pat sa Tagaytay!

Sa recent vlog ni Boss Keng, binalikan ng mag-asawa ang importansya ng paglalaan ng quality time sa isa’t isa sa kabila ng kanilang busy schedules at responsibilities bilang full-time parents kina Isla at Ulap. 

Ang simpleng wish na makapagkape at makapag-usap nang tahimik ay nagbunga ng isang refreshing at nostalgic road trip.

Quality Time First

Bagama’t puno ng saya ang pagkakaroon ng maingay at lively home, inamin ng Team Payaman couple na hindi biro ang maghanap ng intimate moments kapag may malilikot na tsikiting sa paligid.

“Bihira na lang kaming magtabi… dahil sa dalawang bata. Talagang ‘pag nagyayakap kami, pumapalag talaga silang dalawa,” pabirong kwento ni Pat.

Dahil dito, hindi na nila pinalagpas ang pagkakataon upang makapag-solo nang kahit sandali bilang birthday gift na rin ni Mommy Pat sa kanyang mister.

Malayo sa maiingay na party noong mga nagdaang taon, mas pinili ni Boss Keng ang mas tahimik at low-key celebration kasama ang kanyang partner.

“Pag 34 ka na, parang ang gusto mo lang tahimik lang… kung mag-iinuman man, ‘yung mga wine-wine lang tapos tahimik, jazz ang music. Ayun, wala, tumatanda lang,” pahayag ng dalawa.

Nostalgic Memories

Nagbalik-tanaw rin ang dalawa sa kanilang sweet and humble beginnings.

“Naalala mo kumain tayo sa mamahalin… [dati] Php1,000 lang ang meron tayo. Pagkakain natin gusto natin mag-Sky Ranch, wala tayong pang-Sky Ranch. Ang ginawa natin, tumambay tayo sa labas… natulog tayo sa sasakyan,” pag-alala ni Pat.

Sa kanilang maikling staycation, talagang sinulit nila ang bawat moment. Nag-enjoy sila sa malamig na breeze ng Tagaytay habang nagkakape at nagkukwentuhan, nagpalipas ng gabi sa isang KTV bar upang kumanta, uminom, at inenjoy ang katahimikan at bonding sa loob ng kanilang hotel room.

Sa pagtatapos ng vlog, ipinadama nina Boss Keng at Pat na kahit gaano kahalaga ang pagtuon ng buong atensyon sa mga anak, kinakailangan pa ring alagaan ang relasyon ng mag-asawa dahil ang matatag at masayang marriage ang tunay na pundasyon ng isang masayang pamilya.

Watch the full vlog below:

Angel Asay

Recent Posts

Rolling Into the Spotlight: How Viyline’s Mobile Billboard Builds Excitement for Team Payaman Fair 2026

As Viyline and Team Payaman Fair 2026: VIYond the Beat take the spotlight, a moving…

4 hours ago

Celebrate Cong TV’s Birthday With Team PYMN Clothing’s Newest ‘Lincoln Club Collection’

Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…

1 day ago

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

2 days ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

2 days ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

2 days ago

This website uses cookies.