From Gig to Studio: Pinuno and Kuya Inday Create Their Own Song

Mula sa isang gig performance, nauwi sa isang music project ang tambalan nina Elijah Borreros, a.k.a. Pinuno, at Gemmar Sol, a.k.a. Kuya Inday, matapos nilang magdesisyong gumawa ng sarili nilang kanta.

Tunghayan ang naging proseso ng paglikha ng awitin, mula sa recording sessions at pakikipagtulungan sa mga producer at sound engineer hanggang sa mga hakbang na kanilang ginawa upang mabuo ang proyekto.

‘PINTO’

Kamakailan, ibinahagi ni Pinuno na nabuo ang ideya ng paggawa ng isang orihinal na kanta matapos nilang maranasan ang mga limitasyon sa paggamit ng copyrighted music sa kanilang naunang performance. Dahil dito, naisip niyang lumikha ng isang awiting sila mismo ang gumawa at may karapatan dito.

Sa vlog, makikitang inaya ni Pinuno si Kuya Inday na subukang gumawa ng sarili nilang kanta. Bagama’t nag-alinlangan si Kuya Inday sa simula, nagtungo rin sila sa isang recording studio upang simulan ang proyekto.

Pagkalipas ng isang linggo, bumalik si Pinuno sa studio upang silipin ang mixing at editing ng awitin. Ayon kay Pinuno, sinubukan muna niyang gumamit ng AI music tools sa pagbuo ng kanta ngunit hindi nito naibigay ang tunog na kanyang hinahanap.

Sa halip, nagpasya siyang buuin ang proyekto sa tulong ng mga producer at sound engineer upang makamit ang tunog na nais nila para sa kanta.

Binigyang-diin din ni Pinuno na sa panahon kung kailan mas madali nang gumawa ng musika gamit ang Artificial Intelligence (AI), mas pinili nilang gumawa ng kantang nakabatay sa sarili nilang kakayahan at ideya.

“Sa panahon ngayon na ang dali dali ng gumawa ng kanta, meron ng Suno, maraming pang ibang mga AI na pwede ng tumulong sayo gumawa ng kanta, pinili namin gumawa ng sarili talaga namin. Kung ano lang ‘yung kakayahan namin. Ayun lang,” ani Pinuno.

Sa huling bahagi ng vlog, ipinarinig ni Pinuno ang kanta kay Genggeng, na nagbigay ng positibong reaksyon matapos itong mapakinggan. Samantala, hinikayat naman ni Pinuno ang kanilang mga manonood na abangan ang opisyal na paglabas ng kanta ni Kuya Inday.

Netizens’ Comments

Umani naman ng positibong reaksyon mula sa mga manonood ang vlog, kung saan marami ang nagpahayag ng suporta para kina Pinuno at Kuya Inday at nagpuri sa kanilang unang orihinal na kanta.

@FrancoDominicAvila: “Galing mo talaga, Pinuno. Quality content. Lakas ng tama.”

@Janred05: “‘Yun oh, bagooo!”

@jdprandoms9354: “Galing ni kuya Inday.”

@softly_becomingme99: “Solido!”

@yowjazz: “Kuya Inday, let’s gooooo!”

Watch the full vlog below:

Angelica Sarte

Recent Posts

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

11 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

15 hours ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

15 hours ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

15 hours ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Become the New Faces of MARSTEK Philippines

Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…

15 hours ago

Viy Cortez-Velasquez’s Well-Loved Makeup Brand Is Giving Away PR Kits To Aspiring Content Creators

Cielo, an up-and-coming makeup brand, is creating a buzz on social media, with Viy Cortez-Velasquez…

4 days ago

This website uses cookies.