Cook Along with Dudut Lang In His Latest Camping Vlog

Samahan si Dudut Lang sa isang chill camping trip kasama sina Kristel, Burong, at Aki.

Sa bagong vlog, ibinida ni Dudut ang masarap na pagluluto para sa kanilang simpleng hapunan sa gitna ng kagubatan.

Dudut’s Camping

Nakilala ang Team Payaman member na si Jaime Marino de Guzman, a.k.a Dudut Lang, sa kanyang Dudut’s Kitchen serye kung saan siya ay nagluluto ng samu’t saring mga putahe.

Pero sa kanyang latest upload, tampok naman ang pagluluto niya para sa pinaka-unang camping trip kasama ang content creator na si Kristel Toledo, video team, pug nila na si Lola, at  ang papunta pa lang na mag-asawang Macacua na sina Burong at Aki.

Kwento pa ni Dudut, kahit kakarating lang nila sa lugar matapos niya magmaneho ay sumabak na rin agad siya sa paghahanda para sa kanilang hapunan na Egg Soup, Tokwa’t Baboy, inihaw na Pork Liempo, at Chicken Inasal.

“Ako na nagdrive, ako pa nag luto. Okay lang, no pressure naman kasi ‘yung mga paglulutuan ko hindi naman ‘yan ibang tao sa akin. Basta ‘pag nagka reklamaduhan pa dito, magkasuntukan na lang,” hirit pa ni Dudut.  

Isang natural na kwentuhang magkakabarkada naman ang bumalot sa lugar habang iniintay matapos ang pagluluto ni Dudut. 

“Kung magkakabahay tayo, okay lang sa’yo na nandito tayo sa gitna ng kagubatan?,” tanong ni Dut.

“City girl ako eh,” sagot naman ni Kristel. “Ako rin, hindi ko kaya,“ pag-amin naman ni Dudut.

Bitbit ang kanilang gitara at magagandang mga boses, binalot din nila ang lugar ng harana sa kanilang jamming session. 

Sinita rin ni Dudut ang videographer ni Burong na si Nor matapos itong nahuling kumukuha na ng #DuTel clips kahit wala pa man sina Burong.

“Grabe naman ‘tong videographer ni Boss Burs. Wala pa si Burong, pero rolling na ‘yung vlog niya. Kami pa lang nandito oh. Nakita niyo na kung gaano ka-tuso si Burong ah,” biro pa ni Dudut.

Maya-maya pa ay dumating na rin sina Aki at Burong, at nakisalo sa kanilang masayang hapunan sa gitna ng madilim na kagubatan.

Watch full vlog below: 

Alex Buendia

Recent Posts

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

9 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

13 hours ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

13 hours ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

14 hours ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Become the New Faces of MARSTEK Philippines

Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…

14 hours ago

Viy Cortez-Velasquez’s Well-Loved Makeup Brand Is Giving Away PR Kits To Aspiring Content Creators

Cielo, an up-and-coming makeup brand, is creating a buzz on social media, with Viy Cortez-Velasquez…

4 days ago

This website uses cookies.