Team OG o SIGA: Donny Pangilinan and Team Payaman Wild Dogs Face Off in New Mang Tomas Ad

Muling nagsama ang tambalang Cong TV at Donny Pangilinan sa isang bagong advertisement ng Mang Tomas, kasama ang ilan sa mga miyembro ng Team Payaman Wild Dogs.

Kabilang sa naturang ad sina Yow Andrada, Boss Keng, at Junnie Boy, na nakisama kay Cong TV sa panig ng Mang Tomas Siga, habang itinampok naman ni Donny Pangilinan ang Mang Tomas OG.

OG o Siga?

Sa maikling advertisement, ipinakilala ni Donny ang Mang Tomas OG para sa mga naghahanap ng “meaty namnam,” habang ibinida naman ng Team Payaman Wild Dogs ang Mang Tomas Siga para sa mga mas gusto ang may dagdag na anghang.

Makikitang nahati sa dalawang panig ang mga kalahok sa pagitan ng Mang Tomas OG at Mang Tomas Siga, na may kanya-kanyang paboritong variant.

Sa kanilang palitan ng linya, ipinakita ng grupo kung paano maaaring ipares ang dalawang variant sa iba’t ibang putahe, mula isda hanggang manok.

Netizens’ Comments

Samantala, umani ng positibong komento ang advertisement, kung saan may ilang netizens na nagpahayag ng suporta sa panig ng Mang Tomas Siga dahil sa “extrang sipa” na hatid nito.

@peeetypet: “Nalito ako kung nasaan si Donny.”

@mainecntb: “Team SIGA.”

@xx.strwbrrygl: “Sorry Donny, pero sa siga ako.”

@intrepidwanderer28: “Good choice of people, @mangtomasofficial!”

@mayannsevilla: “Team Siga. Doon ako sa may extrang sipa.”

Angelica Sarte

Recent Posts

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

10 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

14 hours ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

14 hours ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

14 hours ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Become the New Faces of MARSTEK Philippines

Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…

14 hours ago

Viy Cortez-Velasquez’s Well-Loved Makeup Brand Is Giving Away PR Kits To Aspiring Content Creators

Cielo, an up-and-coming makeup brand, is creating a buzz on social media, with Viy Cortez-Velasquez…

4 days ago

This website uses cookies.