Strength Beyond Skill: Boss Keng Leads Team Alfonso Siklab to MPPT

Naging pormal at puno ng saya ang ginanap na opisyal na media day at contract signing ng Team Alfonso Siklab para sa kanilang nalalapit na pagsabak sa MPPT (Maharlika Pilipinas Pickleball Tour). 

Sa pangunguna ng content creator at Team Payaman member na si Boss Keng, na siyang gumaganap bilang Team Manager at player ng koponan, opisyal nang ipinakilala ang buong lineup ng mga manlalaro na magrerepresenta sa Bayan ng Alfonso sa idinaos na grand launch na kanyang ibinahagi sa kaniyang bagong vlog. 

Chemistry On and Off the Court

Sa idinaos na press conference at media interview, binigyang-diin ni Boss Keng na higit sa angking talento sa paglalaro, ang pinakamahalagang pundasyon ng kanilang koponan ay ang magandang bonding, tiwala, at familiarity sa isa’t isa. 

Aniya, sabay-sabay silang kumakain at nag-eensayo nang buong sipag upang mas mabuo ang magandang chemistry ng team—isang natatanging pormula na naniniwala siyang magiging susi sa kanilang matagumpay na laban sa court.

Samantala, hindi rin mawawala ang signature na hirit at bardagulan sa pagitan ng mga manlalaro bago magsimula ang mismong kompetisyon. 

Nang tanungin ang buong koponan para sa kanilang mensahe sa mga makakalabang team sa gaganaping tournament, confident na nagbitiw ng matapang at nakakaaliw na pahayag si Boss Keng kasama ang kanyang mga teammates.

“Sa lahat ng makakalaban namin, meron kayong chance na talunin kami—pero hindi madali. Mahihirapan at mahihirapan kayo sa amin.”

Passion and Purpose

Bukod sa pangunahing layuning mag-uwi ng karangalan at malaking tropeo sa torneo, layunin din ng Team Alfonso Siklab  na mas maipakilala at maitaguyod ang kagandahan, talento, at kultura ng Bayan ng Alfonso sa pamamagitan ng larangan ng sports. 

Sa huli, taos-pusong nagpasalamat si Boss Keng sa buong pamunuan, sa lahat ng nagtiwala sa kanyang kakayahan bilang manager, at sa mga tagasuporta na patuloy na gumagabay sa kanilang bagong paglalakbay.

Sinabi rin ng buong koponan sa kanilang mga tagahanga at kababayan na suportahan ang Team Alfonso Siklab  sa kanilang mga darating na laban sa MPPT.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

10 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

14 hours ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

14 hours ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

14 hours ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Become the New Faces of MARSTEK Philippines

Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…

14 hours ago

Viy Cortez-Velasquez’s Well-Loved Makeup Brand Is Giving Away PR Kits To Aspiring Content Creators

Cielo, an up-and-coming makeup brand, is creating a buzz on social media, with Viy Cortez-Velasquez…

4 days ago

This website uses cookies.