Team Payaman’s Genggeng Shares Late-Night Creative Grind for School Assignment in Latest Vlog

Isang school requirement ang naging sentro ng ikalawang vlog ng Team Payaman member na si Kevin Cancamo, a.k.a. Genggeng, matapos niyang ibahagi ang proseso ng paggawa ng promotional poster para sa kanyang Photoshop class.

Sa kanyang bagong vlog, ipinakita ni Genggeng ang kanyang paghahanap ng produktong maaaring gamitin sa kanilang assignment, kung saan kinakailangang siya mismo ang kumuha ng larawan at gumawa ng poster design.

Creative Grind

Bandang alas-otso ng gabi, nagsimulang maghanap si Genggeng ng posibleng subject para sa kanyang assignment. Matapos maglibot sa ilang tindahan, napili niya ang burger mula sa isang sikat na fast-food chain bilang gagamitin sa kanyang poster.

Habang nakahanda nang simulan ang photoshoot, biglang napunta sa basketball court ang kanyang gabi matapos siyang yayain nina Cong TV at iba pang miyembro ng Team Payaman na maglaro. Pagkatapos nito, bumalik si Genggeng sa kanyang orihinal na gawain upang tapusin ang requirement.

Pag-uwi, isinagawa niya ang photoshoot ng napiling produkto bago ito in-edit sa Photoshop. Ipinakita rin niya ang ilan sa mga hakbang sa pagbuo ng design, kabilang ang paghahanap ng visual references at pag-aayos ng layout ng poster.

Umabot hanggang madaling-araw ang kanyang pag-eedit bago tuluyang matapos at maipasa ang nasabing poster. Sa pagtatapos ng vlog, masayang ibinahagi ni Genggeng na naging matagumpay ang kanyang assignment at itinuring niya itong isang “mission success.”

Netizens’ Comments

Samantala, umani ng positibong reaksyon mula sa mga manonood ang vlog ni Genggeng, kabilang ang papuri sa kanyang dedikasyon sa proyekto at sa kinalabasan ng kanyang poster.

@KeithLeiyannCabiles: “Nakakabilib na hindi niya pinagawa sa mga editor ‘yung assignment niya.”

@vetnurseangie: “Infairness ganda ng poster, Geng!”

@anthonettesoriaga617: “Good job, Geng! Parang pro.”

@eizykielalano: “Waiting sa upload mo ulit, Geng. Susubay-bayan kita.”

@menchieodina3192: “Support ka namin, Geng!”

Watch the full vlog below:

Angelica Sarte

Recent Posts

Kevin Hufana Features Roy Aguilo’s Journey of Redemption in ‘Higit sa Hatol: Home of Second Chances’ Documentary

Hindi natatapos sa paglaya ang mga hamon sa buhay ng mga dating bilanggo, dahil patuloy…

12 hours ago

VIYond the Entrance: Discover What Team Payaman Fair Has to Offer

What if one ticket could bring you closer to your favorite influencers, introduce you to…

18 hours ago

Japan Trip Cancelled: This Is Why Boss Keng & Junnie Boy Stayed Behind

Sa halip na pasalubong mula sa Japan, isang kwela at nakakaaliw na epic fail story…

1 day ago

COLN Returns With Heartfelt New Single ‘DAHIL SA’YO’

Muling naghatid ng bagong musika ang Filipino rap-rock at metal band na COLN sa pamamagitan…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Lead Purple Hearts by Kryzl’s Spooktacular Product Launch

Puno ng saya, tawanan, at Halloween excitement ang #PurpleAndTreats2026 na ginanap noong October 26, 2026…

2 days ago

Viy Cortez, Zeinab Harake, and Ivana Alawi Go All-Out in a Fun Public Resort Bonding

Naging instant source of good vibes at katatawanan online ang bonding ng magkakaibigang Zeinab Harake-Parks,…

2 days ago

This website uses cookies.