Puno ng tawanan, kuwentuhan, at simpleng saya ang bagong vlog ni Cong TV na “PAHINGAE” kung saan nagkaroon muna sila ng pagkakataong magpahinga at mag-bonding sa farm kasama ang pamilya at mga kaibigan.
Hindi pa man nakakaalis ng bahay, nag-umpisa na agad ang kulitan nang i-kuwento ni Viy na naubos ang baon ni Kidlat. “Paano nangyari yun eh? Paalis pa lang tayo ah,” pabirong tanong ni Cong.
Kasama rin sa biyahe si Kuya Inday na tinatawag nilang “Boss Inday” dahil sa bago nilang kanta na isinusulat ni Elijah. “Si Kuya Inday yung kumakanta. Tapos sa akin yung kita,” biro ni Cong habang nagpapanggap na taga-abang at taga-asikaso.
Pagdating sa farm, agad na nagkumustahan ang pamilya. Masayang ipinakita ni Cong ang kaniyang inang si Mama Jovel na nakakalakad na matapos ang operasyon. Pabiro pa niya itong pinagsabihan dahil naglalaro na agad ng pickleball kahit nagpapagaling pa.
Ipinakita rin ang paglaki ng kanilang pamangkin na si Jasmine, na 12 anyos na ngayon, matangkad at mahilig mag-basketball. Nakipagkulitan din si Cong sa kaniya at tinanong kung gusto niyang maging basketball player balang araw.
Samantala, naghanda rin sila ng pagkain mula sa mga manok sa farm, kung saan todo-bida si Boss Inday sa pagkakatay at paglilinis ng karne.
Sa gitna ng kanilang kuwentuhan, nagbahagi rin si Cong ng kuwento tungkol sa pagdidisiplina kay Kidlat. Ayon sa kaniya, sinampal ng bata ang kaniyang best friend at kapitbahay na kalaro, kaya pinapunta niya ito sa tapat ng kanilang bahay upang humingi ng tawad. “Sabi ko, mag-sorry nga sa best friend mo. Hindi ganyan pag best friend, ha?” paalala ni Cong.
Ipinakita rin sa vlog ang pag-iwas ni Kidlat sa gadgets habang nasa farm. Nang humiling itong gumamit ng cellphone, binigyan muna siya ni Cong ng ilang math questions bago siya payagang manood ng TV. Dito rin nakisali si Junnie Boy sa pagtatanong, habang todo-rescue naman si Viela para sa kaniyang best friend na si Kidlat.
Sa huli, nakisali si Kidlat sa pagpapakain ng mga manok at sisiw kasama ang iba pang bata. Nagkagulo at nagtawanan ang lahat nang medyo mataranta siya habang naglalagay ng patuka.
Sa simpleng farm getaway na ito, muling nagbahagi si Cong ng masasayang family moments na puno ng kuwentuhan at tawanan, malayo muna sa gadgets at ingay ng social media.
WATCH THE FULL VIDEO BELOW:
A new family partnership is here for Mommy Viy Cortez-Velasquez and her son Kidlat as…
Sa unang episode ng CARTFUN, nakasama ni Viy ang aktres na si Julia Montes para…
Seeing children bring their imagination to life can make family moments even more meaningful, especially…
Team Payaman's very own Boss Keng celebrates another milestone as his official pickleball team, Alfonso…
Sa kaniyang pinakabagong vlog, nagbigay si Bok ng masayang pasilip sa pagsisimula ng kaniyang Pickleball…
With excitement building for one of the biggest events this holiday season, Team Payaman Fair…
This website uses cookies.