Sa unang episode ng CARTFUN, nakasama ni Viy ang aktres na si Julia Montes para sa isang masayang kuwentuhan kung saan mas nakilala nila ang isa’t isa. Mula sa kanilang unang pagkikita hanggang sa iba’t ibang personal na kuwento, marami silang napag-usapan na nagpakita kung gaano sila kakomportable sa isa’t isa.
Ibinahagi ni Julia na matagal na siyang naghahanap ng taong makaka-vibe niya, kung saan hindi niya kailangang magpanggap at malaya siyang maging sarili niya. Nang makilala niya si Viy, doon niya naramdaman na magaan ang kanilang samahan.
Sa unang pagkikita pa lamang nila sa isang live event ng Swiss Proli, aminado si Viy na iba ang naging unang impresyon niya kay Julia. Akala niya ay seryoso at artistang-artista ang aktres, ngunit kabaliktaran pala ito dahil kalog at masayahin din si Julia kapag komportable na sa kaniyang kasama.
Mas nakakagulat pa, hindi lang pala basta kakilala ni Julia si Viy dahil isa rin siya sa mga avid viewers ng Team Payaman vlogs kasama ang kaniyang partner na si Coco Martin!
Ayon kay Julia, seryosong tao silang dalawa ni Coco kaya nagiging pampagaan ng kanilang pakiramdam ang panonood ng Team Payaman. Minsan, nagiging bonding time na rin nila ang pag-enjoy sa mga video ng grupo.
Pabirong tanong pa ni Viy, “Anong nakuha niyo dun? Wala, diba?” na lalong nagpasaya sa kanilang kuwentuhan.
Pero isa sa mga pinakanakakatawang bahagi ng vlog ay nang tanungin si Julia kung sino ang pipiliin niyang BFF: si Kathryn Bernardo o si Viy Cortez.
Pabirong sagot naman ni Viy, “Parang ang tagal naman na namin makasama ni Ma’am Julia para papiliin mo.”
Sinabayan pa ito ng birong komento ni Chino na, “Kung paano mo siya hampasin, parang oo,” na lalo pang nagpasaya sa kanilang kuwentuhan.
Sa huli, pinili ni Julia si Viy bilang kaniyang BFF dahil na-appreciate niya ang personalidad at pakikisama nito. May pahabol pa ang aktres, “BFF na ha, huwag mo na ‘ko mina-ma’am.”
Siyempre, hindi maitago ni Viy ang kaniyang saya dahil hindi niya inakalang darating ang pagkakataong matatawag siyang BFF ni Julia Montes!
Samantala, kinagiliwan din ng netizens ang hindi inaasahang pagkakaibigan nina Viy at Julia. Marami ang humanga sa natural na pakikisama ni Viy at sa kung paano niya napapagaan ang loob ng mga taong nakakasama niya, on-cam man o off-cam.
@nath_so_pretty: “Kahit sino talaga makaka-close ni Viy kasi ang saya niya lang maka-sama kahit off cam gan’yan din ugali niya”
@FateAnikaDeRamos: “sobrang laughtrip hahahahaha galing talaga makisama ni viy imagine julia montes sumasama sakanya”
@laqueen6749: “Grabe Viviyss, talaga nga namang layo na talaga narating niyo, coming from a paa galing sa sampung utos vid ni Cong, nakaka proud at apaka unexpected friendship niyo ni Ms. Juliaaa. Pawer Viviys!
WATCH THE FULL VIDEO BELOW:
Seeing children bring their imagination to life can make family moments even more meaningful, especially…
Team Payaman's very own Boss Keng celebrates another milestone as his official pickleball team, Alfonso…
Sa kaniyang pinakabagong vlog, nagbigay si Bok ng masayang pasilip sa pagsisimula ng kaniyang Pickleball…
With excitement building for one of the biggest events this holiday season, Team Payaman Fair…
CIELO Girls have more reasons to get excited this December as CIELO brings back its…
Vien Iligan-Velasquez is adding more stylish pieces to her wardrobe as she shares her latest…
This website uses cookies.