Kamakailan, ibinahagi ng creative production team na Tenfour ang naging karanasan nila sa paggawa ng short film sa loob lamang ng 24 oras bilang bahagi ng isang workshop sa SM Mall of Asia.
Sa kanilang vlog, ipinakita ng grupo kung paano nila binuo ang kwento, kinunan ang mga eksena, at tinapos ang nasabing short film sa gitna ng limitadong oras.
Ang Tenfour Productions ay isang creative production team na binuo nina Steve Wijayawickrama, Agabus Maza, Cyrill Factor, Ephraim Abarca, at Carlo Santos, na pawang dating bahagi ng editing at videography crew ng Team Payaman vloggers na sina Cong TV at Viy Cortez-Velasquez.
Sa nasabing vlog, ibinahagi ng grupo na mayroon lamang silang 24 oras upang makabuo ng concept para sa kanilang presentation. Sa halip na kumuha lamang ng magkakahiwalay na video clips, nagpasya silang gumawa ng isang maikling kwento na magsisilbing sentro ng kanilang short film.
Bahagi ng kanilang approach ang paggamit ng camera movement bilang paraan ng pagsasalaysay ng kwento. Ayon kay Ephraim, naging inspirasyon niya ang isang eksena mula sa ‘Breaking Bad,’ kung saan unti-unting lumalapit ang camera sa isang bagay habang may bagong impormasyong naihahayag sa mga manonood.
Mula rito, nabuo ang kwento tungkol sa isang filmmaker na nagmamadaling umalis ngunit hindi namalayang may naiwan siyang mahalagang gamit.
Sa shooting, kinailangan nilang maghanap ng praktikal na paraan para makuha ang mga eksenang kailangan nila. Gumamit sila ng mga ordinaryong bagay para sa ilang shots at isinama ang isang tricycle matapos nilang maisip na mas angkop ito sa kwentong nais nilang gawin. Upang makatipid sa oras at gasolina, nag-improvise rin sila para magmukhang gumagalaw ang tricycle nang hindi ito kailangang bumiyahe nang paulit-ulit.
Bukod sa teknikal na aspeto ng paggawa ng maikling pelikula, tinalakay rin ng grupo ang kahalagahan ng intensyon sa bawat shot. Para sa kanila, hindi sapat na maganda lamang ang kuha kung hindi nito naihahatid ang mensaheng nais iparating ng kwento.
Habang papalapit ang deadline, nakaranas din ang grupo ng pagod at ilang creative disagreements. Labindalawang oras bago ang presentation, patuloy pa rin silang nagsu-shoot at wala pa silang kumpletong ihahanda para sa talk.
Sa kabila nito, natapos nila ang short film at nakarating sa SM Mall of Asia para sa kanilang presentation, matapos gawin ang buong production sa loob ng 24 oras.
Sa pagtatapos ng vlog, binigyang-diin din ng Tenfour ang kahalagahan ng teamwork sa kanilang proseso. Ayon kay Ephraim, nabuo ang grupo hindi lamang para pagsama-samahin ang kanilang mga creative skills, kundi para magkaroon ng katuwang ang bawat miyembro sa paggawa ng kanilang mga proyekto.
Samantala, umani ng positibong reaksiyon ang vlog, kung saan maraming manonood ang nagpahayag ng suporta at paghanga sa ipinakitang kwento at production ng Tenfour.
@jenmgln: “Please make more videos. I am a film major graduate na nangarap makapasok sa film industry. Pero maraming naging challenges kaya hindi na na-pursue. Although my work right now as a video editor for an influencer ay pasok pa rin naman sa industry, still, I miss the feeling of writing my own story and turning it into a film. Watching you guys felt like watching a long lost dream of mine. Thank you for sharing this. You guys are making an impact with this more than you think.”
@DengBermas: “Solid! Walang tapon, simula hanggang dulo.”
@dangg_dongg: “Hi guys! Showing love from Las Vegas Nevada! Wala po ako ini-skip na ads sa videos n’yo! Hope it helps! Hopefully more content coming po!”
Watch the full vlog below:
Isang school requirement ang naging sentro ng ikalawang vlog ng Team Payaman member na si…
Matapos ang mahigit 18 taon ng pagsusuot ng salamin, ibinahagi ng Team Payaman member na…
Isang makabuluhan at masayang araw ang pinagsaluhan ng buong pamilya ng Viyline Group of Companies…
Isang masayang roadtrip vlog ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Burong kasama sina…
Excited na ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga tagpo sa…
Muling ibinahagi ng Team Payaman next-gen vlogger na si Kevin Cancamo ang mga tagpo sa…
This website uses cookies.