Team Payaman’s Dudut Lang Shares Experience After Undergoing SmartSight Procedure

Matapos ang mahigit 18 taon ng pagsusuot ng salamin, ibinahagi ng Team Payaman member na si Jaime De Guzman, a.k.a. Dudut Lang, ang kanyang naging karanasan matapos sumailalim sa SmartSight procedure ngayong 2026.

Tunghayan ang mga detalye ng kanyang SmartSight journey, mula sa mga pagsusuring isinagawa bago ang procedure hanggang sa naging resulta nito sa kanyang paningin.

SmartSight Journey

Sa isang social media post, ibinahagi ni Dudut na matagal na niyang pangarap magkaroon ng malinaw na paningin nang hindi umaasa sa salamin, dahilan upang magpasya siyang sumailalim sa SmartSight procedure ngayong taon.

Ayon kay Dudut, inirerekomenda ang SmartSight para sa mga taong aktibo o may trabahong nangangailangan ng mataas na physical activity. Bago maisagawa ang procedure, dumaan muna siya sa kumpletong eye screening upang suriin ang grado ng kanyang mga mata, kapal at hugis ng cornea, at eye pressure.

Dagdag pa niya, tumagal lamang ng humigit-kumulang 10-15 minutes ang procedure at hindi siya nakaranas ng pananakit habang isinasagawa ito. Aniya, naging maayos na rin ang kanyang paningin kinabukasan matapos ang operasyon.

Ibinahagi rin ni Dudut ang ilan sa mga inclusions ng package na kanyang kinuha, kabilang ang post-operation kit at follow-up checkups.


“Sa Php 108,000, kasama na dyan ‘yung 5-year warranty, post-operation kit, at syempre ‘yung 1-year free follow-up check-up para sa mata mo. Napakalaking bagay at sobrang sulit nung Php 108,000 na ‘yun,” ani Dudut.

Sa huli, hinikayat ni Dudut ang mga interesado na magpakonsulta muna sa mga espesyalista upang matukoy kung maaari silang sumailalim sa naturang procedure. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng maayos na pagsusuri upang matukoy kung maaaring sumailalim sa vision correction treatment.

Watch the full vlog below:

Angelica Sarte

Recent Posts

3 Reasons B1T1 Takeaway Coffee is the Ultimate Fuel for Busy Mornings

Coffee is a non-negotiable staple for every Filipino—not just in the morning, but throughout the…

1 day ago

Luxury in a Cup: How B1T1 Takeaway Coffee Bridges Quality and Everyday Pricing

In today’s fast-paced world, coffee has become the go-to for every Filipino in daily life.…

2 days ago

Velasquez Family Brings Love, Laughter, and Healthy Family Bonding to Purple Hearts’ Newest Campaign

The Velasquez Family proudly shared a special project close to their hearts as they teamed…

3 days ago

Boss Keng Switches Up His Daily Routine With Fitness and Family Bonding

Sa gitna ng pagiging abala sa araw-araw, sinubukan ni Boss Keng na baguhin ang kanyang…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez Turns Japan Trip Into a Special Experience for Ate Mina

Isang simpleng family trip sa Japan ang naging pagkakataon ng Team Payaman mom na si…

5 days ago

MassKarambulan: Team Payaman Wild Dogs Take Over Bacolod with Mountain Dew

Isang masayang pagbabalik-tanaw sa kabataan at mga kwentong puno ng tawanan ang hatid ng bagong…

5 days ago

This website uses cookies.