CongViy and RayNab Go on a Hilarious Double Date in Tagaytay

Game na game na nakiisa ang mag-asawang Zeinab at Ray sa kakaibang trip na hatid nina Cong TV at Viviys.

Tunghayan ang mga tagpo sa kanilang kwelang double date with a twist na ginanap sa Tagaytay.

Double Date

Sa kanyang bagong vlog, muling naimbitahan ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kaibigang si Zeinab Harake-Parks para sa isang vlog collaboration.

Bilang parte ng ‘twist’ ng kanilang double date, kinakailangang bumunot ang bawat couple ng kanilang susuotin, gagamiting sasakyan, at lokasyon ng kanilang bonding.

Isa sa mga nakapagpahalakhak ng mga manonood ay nang mabunot ng mag-asawang Cong at Viy ang funny costume at Filipiniana naman sa mag-asawang Zeinab at Ray bilang kanilang outfit.

Maliit na sasakyan ang magsisilbing transportasyon ng grupo nina Viviys papuntang Tagaytay na kanila ring nabunot.

Humanga ang mga manonood nang masaksihan nila ang malalim na kwentuhan ng apat sa loob ng sasakyan.

Isa isa nilang pinagusapan ang kanilang buhay mag-asawa, mga anak, pati na rin ang kani-kanilang mga karera sa buhay.

Pagdating sa Tagaytay, game na game na naglaro sina Viy, Cong, Zeinab, at Ray sa Skyranch Tagaytay kung saan nag-uwi sila ng ilang mga laruan para sa kanilang mga anak.

Laughtrip din ang hatid ng apat nang sumakay ang kanilang grupo sa ilang mga rides na talaga namang nakapag-panindig balahibo ni Viviys.

Tinapos ng CongViy at RayNab ang kanilang quick Tagaytay visit sa pamamagitan ng pagkain ng sikat na sikat na Bulalo foodtrip at kwentuhan.

Netizens’ Comments

Samantala, marami ang natuwa at napahalakhak nang mapanood nila ang pagsasama ng RayNab at CongViy.

@maichuvlogs: “I think bagay si Cong magcreate ng podcast channel niya. Good listener siya and speaker. Tska parang mas engaged siya if usapan about sa mga life topics.”

@averille9188: “Ang saya neto. Bat parang ang saya pag sila Z at Ray ang kasama!”

@hananotbanana: “I love how God-centered raynab’s relationship is. More collabs with them!! enjoy panoorin kayo!”

@JessielynTrogon: “Ewan ko pero naaadik talaga ako sa collab nila. Nakailang panood nako nung nasa grocery store sila HAHAHAH!”

@breakfastsundays: “Kahit baliw talaga yung pasimuno nito, eto na lang talaga yung couples na matitino e.”

@strwbrhjj: “Grabe si Ray. Iwan lahat talaga para kay Zeinab. Kahit pa yung work nya at Japan life ready nya isacrifice for her. Kudos talaga boss!”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

3 Reasons B1T1 Takeaway Coffee is the Ultimate Fuel for Busy Mornings

Coffee is a non-negotiable staple for every Filipino—not just in the morning, but throughout the…

2 days ago

Luxury in a Cup: How B1T1 Takeaway Coffee Bridges Quality and Everyday Pricing

In today’s fast-paced world, coffee has become the go-to for every Filipino in daily life.…

3 days ago

Velasquez Family Brings Love, Laughter, and Healthy Family Bonding to Purple Hearts’ Newest Campaign

The Velasquez Family proudly shared a special project close to their hearts as they teamed…

4 days ago

Boss Keng Switches Up His Daily Routine With Fitness and Family Bonding

Sa gitna ng pagiging abala sa araw-araw, sinubukan ni Boss Keng na baguhin ang kanyang…

5 days ago

Viy Cortez-Velasquez Turns Japan Trip Into a Special Experience for Ate Mina

Isang simpleng family trip sa Japan ang naging pagkakataon ng Team Payaman mom na si…

6 days ago

MassKarambulan: Team Payaman Wild Dogs Take Over Bacolod with Mountain Dew

Isang masayang pagbabalik-tanaw sa kabataan at mga kwentong puno ng tawanan ang hatid ng bagong…

6 days ago

This website uses cookies.