Unforgettable Highlights from Mrs. Imelda Cortez’s Grand 60th Birthday Celebration

Isang masaya at ‘di malilimutang milestone ang ginanap sa Torres Farm Hotel and Resort para ipagdiwang ang ika-60 na kaarawan ng mahal na ilaw ng tahanan ng pamilya Cortez na si Mrs. Imelda Tumbaga Cortez. 

Napuno ng pagmamahal at sigla ang buong paligid nang magkatipon-tipon ang kaniyang pamilya, malalapit na kaibigan, at ang buong pamilya ng Viyline Group of Companies.

Grand Surprises and Highlights

Bago pa man opisyal na magsimula ang programa, naghatid agad ng pananabik sa mga bisita ang grand launch ng kauna-unahang advertising truck ng Viyline Media Group, na nagsilbing isa sa grand surprises ng gabi.

Lalo pang tumindi ang saya nang mismong si Mrs. Cortez ang bumida sa gitna ng dance floor. Nagpamalas siya ng isang masiglang surprise dance number kasama ang live-selling department ng Viyline, na nagpatunay na walang edad ang tunay na saya at sigla.

Mas naging exciting naman ang gabi nang magsimula ang grand raffle draw kung saan iba’t ibang branded appliances ang ipinamigay sa mga mapapalad na bisita. 

Mula sa mga home essentials hanggang sa modern kitchen gadgets, labis ang katuwaan ng lahat habang nag-aabang sa pagtawag ng kanilang mga pangalan.

Hindi rin pinalampas ng mga bisita ang pagkakataon upang iparamdam ang kanilang pagmamahal sa pamamagitan ng pag-abot ng mga natatanging regalo at personal na pagbati para sa celebrant.

Touching Birthday Wishes

Napuno rin ng emosyon ang gabi nang mag-iwan ng heartfelt messages ang pamilya ni Mrs. Cortez na pingunahan ng kaniyang tres marias.

Viy Cortez-Velasquez: “Happy 60th birthday, mama ko. Thank you sa lahat, mama. I love you so much…”

Ivy Cortez-Ragos: “Happy birthday, mama. Love you ma!!!”

Yiv Cortez: “Happy 60th Birthday Mama! Senior ka na… Mahal na mahal ka namin!”

Hindi rin nagpahuli sa pagpapakilig si Mr. Rolando Cortez nang isayaw niya ang kaniyang misis sa gitna ng entablado at abutan ito ng bulaklak. 

Sa gitna ng palakpakan ng lahat, inamin nitong iyon ang kauna-unahang pagkakataon na nagbigay siya ng bulaklak sa kanyang kabiyak sa mahigit 30 taon nilang pagsasama.

Matapos ang mga nakatutuwang palabas at emosyonal na mensahe, nagpatuloy ang gabi sa isang masayang after-party. 

Angel Asay

Recent Posts

Velasquez Family Brings Love, Laughter, and Healthy Family Bonding to Purple Hearts’ Newest Campaign

The Velasquez Family proudly shared a special project close to their hearts as they teamed…

6 hours ago

Boss Keng Switches Up His Daily Routine With Fitness and Family Bonding

Sa gitna ng pagiging abala sa araw-araw, sinubukan ni Boss Keng na baguhin ang kanyang…

13 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Turns Japan Trip Into a Special Experience for Ate Mina

Isang simpleng family trip sa Japan ang naging pagkakataon ng Team Payaman mom na si…

2 days ago

MassKarambulan: Team Payaman Wild Dogs Take Over Bacolod with Mountain Dew

Isang masayang pagbabalik-tanaw sa kabataan at mga kwentong puno ng tawanan ang hatid ng bagong…

2 days ago

Dudut Lang Exposes the Truth Behind His 11-Year Relationship and Team Payaman on ‘Galit-Galitan Podcast’!

Mas pinainit ang pinakabagong episode ng Galit-Galitan Podcast ng social media personality na si JB…

2 days ago

Cong TV and Junnie Boy Share Fatherhood Advice with Kevin Hermosada

Bago isalang ang kanyang Baby Austin, sumangguni ang soon-to-be daddy na si Kevin Hermosada kina…

4 days ago

This website uses cookies.