Muling ibinahagi ng Team Payaman next-gen vlogger na si Kevin Cancamo ang mga tagpo sa kanyang buhay bilang isang estudyante.
Tunghayan ang mga tagpo sa gitna ng kanyang pag-aaral at alamin kung ano ang kanyang usual routine bilang isang student-content creator.
Sa kanyang recently-uploaded vlog, muling isinama ni Kevin Cancamo, a.k.a Genggeng, ang kanyang mga manonood sa kanyang pagpasok sa eskwelahan.
Ito ang ikatlong vlog ni Genggeng matapos niyang unang ibahagi ang kanyang Hong Kong experience at ilang mga kaganapan sa loob ng Congpound.
Sa kanyang maiksing content, isinama ni Geng ang mga manonood sa kanyang pagbyahe papunta sa kanilang eskwelahan.
Sunod naman niyang ipinasilip ang ilan sa mga tagpo sa loob ng klase habang siya ay nag-aaral kasama ang mga kaibigan.
Matapos ang klase ay sumama rin si Geng sa mga kaibigan upang kumain ng tanghalian.
Matapos ang kanyang sunod na klase, dali-daling umuwi si Geng upang magpahinga at kumain. Agad din siyang sinalubong ni Kidlat.
Samantala, marami ang natuwa matapos mapanood ang short-but-sweet vlog content ni Genggeng.
@JohnCarloSirios: “Geng nakakawalang hininga yung title”
@oyot8184: “Title: 10minutes kong binasa. Video: 5minutes kong pinanuod hahahahahaha”
@LeahnieFlores: “A day with Kidlat naman Geng, cutie ni Kidlat sa huli!”
@taekomichan6061: “More vlogs sana with your classmates Geng. Cute ng mga kulitan niyo hahaha ramdam mo din yung pagka-humble nila.”
@FilmedByJACE: “Ganitong vlog yung hinahanap ko pagpatuloy mo lang Genggeng. Solid Ng ganitong vlog, daily lifestyle!!”
Watch the full vlog below:
Sa unang episode ng CARTFUN, nakasama ni Viy ang aktres na si Julia Montes para…
Seeing children bring their imagination to life can make family moments even more meaningful, especially…
Team Payaman's very own Boss Keng celebrates another milestone as his official pickleball team, Alfonso…
Sa kaniyang pinakabagong vlog, nagbigay si Bok ng masayang pasilip sa pagsisimula ng kaniyang Pickleball…
With excitement building for one of the biggest events this holiday season, Team Payaman Fair…
CIELO Girls have more reasons to get excited this December as CIELO brings back its…
This website uses cookies.