Sa kaniyang pinakabagong vlog, nagbigay si Bok ng masayang pasilip sa pagsisimula ng kaniyang Pickleball journey kasama ang iba pang miyembro ng Team Payaman.
Sinimulan ni Bok ang vlog sa pagsabay niya sa biyahe nina Junnie Boy at Bods papunta sa gym. Kuwento niya, pursigido na siya ngayon sa pagwo-workout para mas maging fit, mula sa dati niyang timbang na 58kg, umakyat na ito sa 62kg.
“Hintayin niyo, Pards, ang paglabas ng aking awra,” pabirong sabi ni Bok.
Habang nasa biyahe kasama sina Junnie Boy at Bods ay napasarap din ang kwentuhan ng tatlo tungkol sa bagong sport na kinahuhumalingan ng kanilang grupo na pickleball. Dito na ibinida ni Bok ang kaniyang alter ego.
“Ako, kung maglalaro ng Pickleball… tawagin niyo akong SubZero,” aniya.
Hirit pa ni Bok, sumasailalim na raw siya sa isang sikretong “online” training. “Kumbaga, ‘yung training ko, mahirap talaga. Kung kayo actual, ako digital,” biro pa nito.
Matapos ang kulitan, hinamon ni Junnie Boy si Bok na dalhin na sa aktwal na court ang kaniyang mga natutuhan.
“Ganito, ipakita mo nang buo. Kapag na-impress ako, mag-o-online training na rin ako,” hamon ni Junnie.
Para mas maging kapana-panabik, inilapit ni Junnie si Bok kay Boss Keng na isa sa mga manager ng Alfonso Siklab Pickleball, na isa sa pinakamahusay na player sa kanilang grupo.
“Mayroon akong isang player, Pards, malupit… galing Vietnam. Baka puwede raw mag-tryout sa inyo. SubZero ang pangalan. Papuntahin ko na lang diyan,” sabi ni Junnie kay Boss Keng.
Sa mga sumunod na araw, ipinakita ni Bok ang kaniyang seryoso at consistent na pag-eensayo kasama ang iba pang Team Payaman members.
“‘Di bale, sa susunod na pagpunta ko, Tito, may bitaw na ako,” pangako niya habang kausap ang Pickleball enthusiast na si Papa Marlon o mas kilala bilang Papa Shoutout.
Hindi naman binigo ni Bok ang kaniyang pangako dahil sa mga sumunod nilang laro, agad na siyang nakasabay sa galaw at laro ng grupo sa court!
Watch the full vlog below:
With excitement building for one of the biggest events this holiday season, Team Payaman Fair…
CIELO Girls have more reasons to get excited this December as CIELO brings back its…
Vien Iligan-Velasquez is adding more stylish pieces to her wardrobe as she shares her latest…
Finding ways to encourage children to eat healthier can be a challenge for many parents,…
Between school, work, errands, and family activities, preparing healthy meals every day can be a…
The countdown to Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat just got even more exciting!…
This website uses cookies.