Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Celebrate Their Anniversary With a London Getaway

Naging espesyal ang anniversary trip ng Team Payaman couple na sina Viy Cortez-Velasquez at Cong TV sa United Kingdom matapos matupad ang isa sa matagal nang pangarap ni Cong na mapanood nang personal ang American heavy metal band na Metallica.

Bukod sa concert, nagsilbi rin ang paglalakbay bilang pagkakataon para balikan ng mag-asawa ang kanilang mga alaala mula sa simpleng pagsisimula ng kanilang relasyon hanggang sa mga tagumpay na magkasama nilang narating sa paglipas ng mga taon.

‘LONDON ANNIVLOGSARY’

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang ilang bahagi ng London trip nila ng asawang si Cong TV bago tumuloy sa Cardiff, Wales, kung saan gaganapin ang inaabangang Metallica concert.

Kasabay ng kanilang anniversary trip, nagsagawa rin si Viy ng isang personal na hamon na tinawag niyang “Oo na, Yes pa,” kung saan pumapayag siya sa halos lahat ng hiling at desisyon ni Cong habang nasa bakasyon. Kabilang dito ang pagharap sa dagdag na bayarin para sa kanilang mga bagahe, mahabang paglalakad sa London, at maging ang pagpili ng mga lugar na kanilang pupuntahan at kakainan.

Sa gitna ng kanilang pamamasyal, nagbalik-tanaw din ang mag-asawa sa mga unang taon ng kanilang relasyon. Sa isang bahagi ng vlog, naalala nila ang mga panahong magkasintahan pa lamang sila at simpleng pag-iikot sa mall at pagtambay sa sari-sari store ang ilan sa kanilang mga bonding moments.

Habang papalapit ang araw ng concert, hindi rin naitago ni Cong ang kanyang excitement. Inamin nito na tila hindi pa rin siya makapaniwala na mapapanood na niya nang live ang bandang matagal na niyang hinahangaan mula pa noong kanyang kabataan.

Ayon kay Viy, masaya siyang makita ang katuparan ng isa sa mga matagal nang pangarap ng kanyang asawa. Kalaunan, napagtanto rin niya na higit pa sa panonood ng Metallica ang naging kahulugan ng kanilang pagpunta sa United Kingdom.

“Hindi lang pala ito tungkol sa Metallica. Anniversary din pala namin,” ani Viy.

Sa pagtatapos ng vlog, ipinakita ang ilang eksena mula sa Metallica concert, na nagsilbing highlight ng kanilang anniversary trip at pagkakataon para makabuo ng panibagong alaala bilang mag-asawa.

Netizens’ Comments

Samantala, maraming netizens ang naantig sa pagbabalik-tanaw nina Viviys at Cong sa kanilang mga unang taon bilang magkasintahan, habang ang iba naman ay nagpahayag ng saya at paghanga sa kung gaano na kalayo ang narating ng dalawa sa loob ng mahigit isang dekada.

@yowjazz: “Grabe annivlogsary nito. Siksik at daming ganap. Pati mga comparison nung mahirap pa lang sila, nandun yung theme, character, [at] development ng lahat. Family, friendship. Humor. Pagibig. Lakas ng mga editor para tagpiin lahat.”

@euniceann3370: “Grabe, 10 years na pala ‘yun? Nasaksihan ko lahat simula unang vlog ni Viy, grabe naiiyak ako. I’m so happy for both of you!”

@musicplaylist4630: “Bakit naiiyak ako para sa inyong dalawa? Hahahaha! So proud  [for] the two of you. Grabe nakita namin ‘yung zero days niyo to paldo days niyo. Godbless palagi sa inyo. Ang layo niyo na sa dati, CongViy.”

Watch the full vlog below:

Angelica Sarte

Recent Posts

Awi Columna Shares the Unexpected Journey of the Team Payaman Logo

Mula sa isang simpleng T-shirt design, naging bahagi na ngayon ng isa sa mga pinakakilalang…

18 hours ago

Pat Velasquez-Gaspar Reminds Parents To Be Prepared For Unexpected Health Emergencies

As flu season continues, Mommy Pat shares a timely reminder for parents about the importance…

18 hours ago

Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Tickets Are Now Available on TikTok Shop

Now that the Team Payaman Fair 2026: VIYond the Beat is just around the corner,…

2 days ago

Ready for Team Payaman Fair 2026? Here’s How to Secure Your Tickets and Access Your QR Code

With public ticket selling for Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat now open, Team…

2 days ago

Awi Columna Turns Dudut’s Love Story Into the Relatable Track “xenxa”

Minsan, ang pinakamasakit na karanasan sa pag-ibig ang nagiging inspirasyon para sa paggawa ng isang…

2 days ago

Team Payaman’s GengGeng Shares a Glimpse of His Usual Home Tasks

Ipinasilip ng next-gen Team Payaman vlogger na si Genggeng ang mga tagpo sa kanyang buhay…

2 days ago

This website uses cookies.