Isang mabilis na balik-Hong Kong trip ang naging laman ng kauna-unahang vlog ni Genggeng sa YouTube.
Sa kabila ng maikling oras ng pananatili, naibahagi niya ang iba’t ibang tagpo mula sa kanilang pag-iikot, pagsubok ng ilang kainan, at ilang “core memories” na nabuo sa kanilang paglalakbay sa lungsod.
Sa kanyang first-ever YouTube vlog, ibinahagi ng Team Payaman member na si Kevin Cancamo, a.k.a. Genggeng, ang ilang tagpo mula sa kanyang isang araw na pagbisita sa Hong Kong kasama ang isa sa mga videographer ng grupo.
Mula sa pagkain sa isang fast-food restaurant at pakikipagkuwentuhan sa mga kapwa Pilipino hanggang sa pagbisita sa iba’t ibang lugar sa lungsod, ipinakita ni Genggeng ang mga simpleng karanasang bumuo ng kanyang tinawag na “core memories” sa biyahe.
Bukod sa pamamasyal, makikitang abala rin sina Genggeng at ang kanyang kasama sa pagkuha ng mga video clips sa iba’t ibang lokasyon sa Hong Kong. Dumaan din sila sa mga tindahan ng accessories, isang Ramen restaurant, at isang thrift shop na nagbebenta ng mga branded na gamit.
Matapos ang maikling pahinga sa kanilang tinuluyan, ipinagpatuloy ng dalawa ang kanilang mga aktibidad hanggang madaling araw. Bago matapos ang vlog, ibinahagi ni Genggeng ang ilan pang sandali mula sa biyahe bago sila bumalik sa Pilipinas.
Samantala, nagpahayag naman ng suporta ang maraming netizen para sa bagong YouTube channel at vlogging journey ni Genggeng.
@bretheartgregorio1886: “Nice edit, Genggeng. Worth it ang ilang buwan na pag edit mo, title pa lang buo na ‘yung vlog. Power sa journey mo sa vlogging! Pero mas pag igihin sa pag aaral.”
@JemelynTomes: “Gumawa na ng channel para may pang tuition. Hahaha! Pawer!”
@CySegoviaCzyh: “Yey, may YT channel na siya!”
@JehanMacarao: “Such a nice vlog. I know it’s your first time vlogging but it was good. Hindi siya boring panoorin. Ipagpatuloy mo lang ‘yan, Geng.”
@Ma.AlejaOrtillano-s4h: “Good luck sa vlogger era mo, Geng!”
Watch the full vlog below:
Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…
Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…
Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…
For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…
Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…
Cielo, an up-and-coming makeup brand, is creating a buzz on social media, with Viy Cortez-Velasquez…
This website uses cookies.