Cong TV and Team Payaman Go All Out to Help Genggeng Pay His College Tuition

Mula sa paghahanap ng trabaho hanggang sa pagbebenta ng mga personal na gamit, sinubukan nina Cong TV at Team Payaman ang iba’t ibang paraan upang matulungan si Genggeng na makalikom ng pondo para sa kanyang tuition fee.

Sa gitna ng nalalapit na enrollment at limitadong oras para makalikom ng kinakailangang halaga, sapat kaya ang kanilang mga naging pagsisikap upang matulungan si Genggeng na makapagpatuloy sa kanyang pag-aaral?

‘TUISSION’

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman head na si Cong TV ang kanilang naging mission upang matulungan si Genggeng na makapag-enroll sa college matapos nitong amining wala pa siyang sapat na ipon para sa P48,000 na tuition fee sa San Beda College Alabang.

Isa sa mga unang hakbang ng grupo ay dalhin si Genggeng sa UnionDigital Bank upang subukan ang isang social media content role. Sa vlog, humarap siya sa mga opisyal ng kumpanya at nagpresenta ng sarili niyang marketing ideas para sa isang campaign.

Bagama’t may halong biruan ang kanyang presentation, ipinakita ni Genggeng ang kanyang kaalaman bilang Communication Arts student sa pagbuo ng mga creative concept at marketing strategies.

Kasunod nito, sinubukan din ng grupo na gamitin ang lumalaking online presence ni Genggeng upang makalikom ng pondo para sa kanyang pag-aaral. Sa tulong nina Cong at Burong, nagpresenta siya ng influencer marketing proposal sa MobileCart PH owner na si Prince Francisco at nakipagnegosasyon para sa isang posibleng brand collaboration.

Habang papalapit ang deadline ng enrollment, nagsagawa rin ang tatlo ng garage sale sa isang mall sa Imus, Cavite. Nag-ambag ang iba pang miyembro ng Team Payaman ng kanilang mga personal na gamit upang makatulong kay Genggeng, habang nakiisa naman ang kanilang mga fans sa pamamagitan ng pagbili ng iba’t ibang pre-loved items bilang suporta sa kanilang misyon.

Sa pagtatapos ng vlog, ipinakita ang pagtanggap ni Genggeng ng parangal sa The 4th Asian Pillars Awards 2026 sa ngalan ni Cong TV. Sa kanyang mensahe, binigyang-pugay niya ang sipag, tiyaga, at dedikasyon ng content creator sa paglikha ng mga video na nagbibigay ng aliw at inspirasyon sa maraming manonood.

“On behalf of my kuya Cong, maraming, maraming salamat po sa award na ‘to. And I know malaking karangalan ‘to para sa kanya. Dahil sa sipag, tiyaga, at determinasyon niya sa paggawa ng video. Hindi lang para makapagbigay ng saya, kundi makapagbigay ng inspirasyon sa mga tao, especially sa kabataan. Kabataang katulad ko na nai-inspire at patuloy pang mai-inspire sa mga bagay na ginagawa niya,” ani Genggeng.

Netizens’ Comments

Samantala, umani naman ng positibong reaksyon mula sa mga manonood ang vlog, kung saan marami ang nagpahayag ng suporta at paghanga sa misyon ng Team Payaman na matulungan si Genggeng.

@ladylyndelostrinos8963: “Kaya niyang pag aralin si Geng, eh, pero mas pinili niyang turuan si Geng sa buhay. Iba talaga si Cong TV!”

@CreativeJuices30: “Ito ‘yung sinasabing turuan mong mangisda ‘yung tao kaysa bigyan mo ng isda para rin malaman ni Geng na mahirap din kitain ‘yung pera pang enroll.”

@kathleenclarin: “Ganda ng message ng vlog na ‘to. Hindi niya i-ni-spoil si Geng para easy life lang, tinuturuan niya paano mag ipon, paano kumita, at kung paano humawak ng pera. Nasa tao na lang talaga ‘to kung paano niya i-execute ‘yung pangaral sa kanya. Good job, Geng! Nasa tamang tao ka, sa pangangalaga ni Cong sa’yo, mapapabuti ka. Ganyan ang hilahan pataas!”

Watch the full vlog below:

Angelica Sarte

Recent Posts

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

7 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

11 hours ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

11 hours ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

11 hours ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Become the New Faces of MARSTEK Philippines

Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…

11 hours ago

Viy Cortez-Velasquez’s Well-Loved Makeup Brand Is Giving Away PR Kits To Aspiring Content Creators

Cielo, an up-and-coming makeup brand, is creating a buzz on social media, with Viy Cortez-Velasquez…

3 days ago

This website uses cookies.