Chino Liu Stars in Galit-Galitan Podcast with JB Suarez and John Teodosio

Game na game na ipinakilala ni Chino Liu ang sarili pati na rin ang iba’t iba niyang karakter bilang guest sa pinakabagong episode ng Galit-Galitan Podcast. 

EP3 – Multi-Personality In Order

Ang Galit-Galitan Podcast ay hatid ng Anti-Kamote Gang content creator na si JB Suarez at John Teodosio ng Madman Creatives, na nagtatampok ng prangkang kwentuhan tungkol sa iba’t ibang usapin at personal na mga karanasan.

Para sa kanilang ikatlong kabanata, inimbitahan nila ang Team Payaman member na si Chino Liu, o mas kilala bilang si Tita Krissy Achino, upang talakayin ang buhay niyang binubuo ng iba’t ibang klaseng karakter.  

Umpisa pa lamang ay nilista na nila ang mga kaganapan ni Chino bilang Kris Aquino Impersonator, Content Creator, Barangay Councilor, Entrepreneur, Actor/Host, at AKG Queen of All Chika.

Dinagdag pa ni Chino na isa rin siyang lecturer/special instructor sa isang unibersidad, fast food and gasoline station digital marketer, at twin sister ng kapwa TP member na si Vien Iligan-Velasquez.

Tinalakay rin ni Chino ang kwento sa likod ng pagbuo ng mga konsepto sa kaniyang sariling ‘Kags, Help’ at ‘Chino on Deck’ podcast serye.

Hindi pinalampas ni Chino na ibahagi ang pagsisikap maging kakaiba o unique impersonator bilang  si Tita Krissy, pati na rin ang talento sa pagiging mapagmasid kung kaya kinaya niya ring gayahin si Ninong Ry at iba pa.

“Feeling ko nga dati akong parrot eh,” biro ni Chino.

Pag-amin naman niya, ang kumpiyansa niyang maging totoo sa sarili kahit hindi bilang glammed up impersonator ay natutunan niya lang mula nung mapasama siya sa kilalang grupo ng content creators sa Pilipinas na Team Payaman.

“Perfectionist ako. Gusto ko may intro ako, may body, may extro, nilalagay ko sa notes tapos dapat may flow ako. Pero nung pumasok ako sa Team Payaman, dun ko nakita na may other side, mas impromptu, mas raw, mas maganda. Doon kasi kahit umaga may muta ka tututukan ka ng camera. At first it was a dilemma for me,” kwento ni Chino. 

Taas-noo rin namang sinagot ni Chino ang ilang maiinit na mga katanungan sa Heat Check segment kapalit ng hindi pagsubo ng maanghang na Samyang noodles.

Isa na sa tanong ay “Kung ibabalik mo si Kulob at Clouie sa Team Payaman, sino ang dalawa mong papaalisin kapalit nila?”

Agad naman itong nasagot ni Chino na ang mga furbaby na lang ang ipapalit niya bilang mga kalebel ng mga nabanggit.

Ibinahagi rin naman ni Chino ang emosyonal na anunsyo ng pagpanaw ng isa sa OG Furbaby ng Team Payaman na si Nyeti. 

Walang takot ding ni-ranggo ni Chino ang Team Payaman Wild Dogs pagdating sa kalinisan sa bahay.

Watch the full podcast episode below:

Alex Buendia

Recent Posts

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

10 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

13 hours ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

14 hours ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

14 hours ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Become the New Faces of MARSTEK Philippines

Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…

14 hours ago

Viy Cortez-Velasquez’s Well-Loved Makeup Brand Is Giving Away PR Kits To Aspiring Content Creators

Cielo, an up-and-coming makeup brand, is creating a buzz on social media, with Viy Cortez-Velasquez…

4 days ago

This website uses cookies.