Pinuno Shares His Swimming Lesson Experience in Latest Vlog

Hindi lang tawanan at kulitan ang hatid ng latest vlog ni Pinuno, kundi maging ang ilan sa mga naging karanasan niya sa isang swimming session kasama sina Cong TV at Burong.

Tunghayan ang ilan sa mga naging kaganapan sa kanilang swimming activity, mula sa mga biruan bago ang pagsasanay hanggang sa naging food trip ng grupo pagkatapos nito.

‘LANGOY JABLO’

Sa naturang vlog, makikitang papunta pa lamang sa dive center ay nagbibiruan na sina Pinuno, Cong, at Burong tungkol sa kanilang nalalapit na swimming activity.

Inamin ni Pinuno na kinakabahan siya sa gagawing pagsasanay, habang sina Cong at Burong naman ay nagbahagi ng mga nakakatawang komento tungkol sa paglangoy at ilan sa mga safety procedures na bahagi ng training.

Pagdating sa Blue Word Dive Center, sumailalim ang grupo sa swimming lesson sa tulong ng kanilang coach. 

Ayon kay Pinuno, marami siyang natutunan mula sa pagsasanay. Gayunpaman, pabiro niyang sinabi na hindi niya makuha ang “langoy aso,” na agad namang sinagot ni Cong ng pabirong hirit.

Matapos ang nasabing aktibidad, nagtungo ang grupo sa isang food spot upang kumain at magpahinga. Ipinakita rin sa vlog ang ilan sa mga pagkaing kanilang pinagsaluhan sa kanilang naging food trip.

Sa huling bahagi ng vlog, nagbahagi rin si Pinuno ng ilang obserbasyon tungkol sa tag-ulan at sa mga hamong dala nito sa pang-araw-araw na gawain. Ayon sa kanya, mahirap gumawa ng mga outdoor activity kapag pabago-bago ang panahon. 

Sa kabila nito, nagbigay siya ng paalala na manatiling mapagpasalamat sa kabila ng mga abala, lalo na para sa mga mas naapektuhan ng masamang panahon.

Netizens’ Comments

Samantala, hindi rin nagpahuli ang mga manonood sa pagbibigay ng mga nakakatawang komento tungkol sa ipinakitang content ni Pinuno sa vlog.

@KARURU17: “Ayoko na, mabait na ang content.”

@WaffiWaffles016: “Iba ihip, Pinuno. Nakakapanibago.”

@YahjraTv: “Kakaiba ka talaga, Pinuno.”

Watch the full vlog below:

Angelica Sarte

Recent Posts

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

7 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

11 hours ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

11 hours ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

11 hours ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Become the New Faces of MARSTEK Philippines

Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…

11 hours ago

Viy Cortez-Velasquez’s Well-Loved Makeup Brand Is Giving Away PR Kits To Aspiring Content Creators

Cielo, an up-and-coming makeup brand, is creating a buzz on social media, with Viy Cortez-Velasquez…

3 days ago

This website uses cookies.