Mommy Vien Iligan-Velasquez Shares Family Moments at Tiny Buds Kids x Kidlat Launch

“Hindi lang pangbaby, pwede rin sa feeling baby” 

Ipinasilip ni Mommy Vien sa recent video upload ang mga tagpo sa Tiny Buds Kids x Kidlat Hair Collection Launch Event experience ng Iligan-Velasquez Family. 

Vien x Tiny Buds

Hindi nagpahuli ang Team Iligan-Velasquez sa pagpapakita ng suporta kay Kuya Kidlat para sa kolaborasyon nito sa Tiny Buds.

Tampok sa video ni Mommy Vien kung paano nag-enjoy ang mga anak na sina Von Maverick, a.k.a Mavi, at Alona Viela sa mga aktibidad sa Kidzooona, SM Muntinlupa, kung saan ginanap ang event. 

Nagbigay rin siya ng review kasama ang asawang si Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy, sa mga pinakabagong produkto mula sa Tiny Buds Kids x Kidlat Hair Care collection na Shampoo, Conditioner, at Hair Perfume & Detangler. 

“Ang bango! Amoy Baby! Perfect ito,” pahayag ni Mommy Vien. 

Certified Tiny Buds Kids!

Sa isang exclusive interview naman ng Viyline Media Group (VMG) Team, ibinahagi rin ni Mommy Vien at Daddy Junnie na simula newborn pa lamang ang kanilang mga anak ay Tiny Buds products na ang ginagamit nila. 

“Actually, lahat ng products nila, from Tiny Buds talaga before. So ngayon, excited na ako ma-try yung kay Kidlat,” pahayag ni Mommy Vien sa VMG Team. 

Binigyang-diin ni Mommy Vien ang kahalagahan ng pagsasaliksik at pagsubok ng angkop na produkto para sa mga anak upang masiguradong ligtas ito. 

“Kailangan mild talaga yung ilalagay nating products sa ating mga baby, tapos hindi masyadong makemikal dahil syempre hindi natin alam kung anong epekto noon sa mga anak natin,” paalala ni Mommy Vien. 

“Iba-ibang bata, iba-ibang hiyangan ‘yan,” dagdag pa ni Daddy Junnie. 

Alex Buendia

Recent Posts

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

6 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

10 hours ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

10 hours ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

10 hours ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Become the New Faces of MARSTEK Philippines

Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…

11 hours ago

Viy Cortez-Velasquez’s Well-Loved Makeup Brand Is Giving Away PR Kits To Aspiring Content Creators

Cielo, an up-and-coming makeup brand, is creating a buzz on social media, with Viy Cortez-Velasquez…

3 days ago

This website uses cookies.