Ivy Cortez-Ragos Discovers a New Filipino Comfort Food Spot in Calamba, Laguna

Naghahanap ng bagong food spot na pwedeng puntahan kasama ang pamilya o barkada? Sagot na ‘yan ni Ate Ivy matapos niyang ibahagi ang kanyang naging food trip sa isang Filipino restaurant sa Calamba, Laguna.

Mula sa cozy na ambiance hanggang sa mga lutong Pinoy na kanilang natikman, ibinahagi ng content creator ang mga bagay na tumatak sa kanya sa OPO Pilipino Comfort Food. 

Ate Ivy x OPO

Sa kanyang vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang naging karanasan sa OPO (Our Pinoy Original) Pilipino Comfort Food sa Calamba, Laguna, kung saan isa sa mga unang tumatak sa kanya ang cozy at relaxing na ambiance ng restaurant.

Ayon kay Ate Ivy, maluwag ang espasyo at may sapat na upuan para sa mga grupo, kaya bagay ito para sa casual catch-ups, family meals, o simpleng food trip kasama ang mga kaibigan.

Bukod sa kapaligiran, pinuri rin niya ang pagiging mabait at accommodating ng mga staff, na aniya’y nakadagdag sa magandang dining experience.

Pagdating naman sa pagkain, sinabi ni Ate Ivy na kapansin-pansin ang lasa ng mga putaheng Pilipino na kanilang natikman. Kabilang sa mga ipinakita sa vlog ang kare-kare, grilled meats, at iba pang lutuing Pinoy.

“But of course, pinaka-importante, the food. Legit na masarap and you can really taste the authentic Filipino flavor in every bite. Best part, affordable pa. So, sulit na sulit!” ani Ate Ivy.

Bukod sa lasa, nagustuhan din niya ang pagiging abot-kaya ng mga pagkain. Para kay Ate Ivy, magandang kombinasyon ang kalidad ng mga putahe at presyo nito, dahilan upang mairekomenda niya ang restaurant sa mga naghahanap ng komportableng lugar na nag-aalok ng mga pamilyar na lutuing Pilipino sa Calamba, Laguna.

Angelica Sarte

Recent Posts

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

8 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

12 hours ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

12 hours ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

13 hours ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Become the New Faces of MARSTEK Philippines

Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…

13 hours ago

Viy Cortez-Velasquez’s Well-Loved Makeup Brand Is Giving Away PR Kits To Aspiring Content Creators

Cielo, an up-and-coming makeup brand, is creating a buzz on social media, with Viy Cortez-Velasquez…

3 days ago

This website uses cookies.